Two hours earlier than her usual, nasa loob na ng opisina niya si Karylle.Nagtaka pa nga ang mga empleyado niya lalo na nang mapansing tila wala siya sa sarili at aligaga. She keeps on roaming around, greeting and asking her employees if they were fine but they knew she herself wasn't.
Maski nang pumasok sa opisina niya ang kanyang sekretarya ay hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Karylle.
"You have a meeting at—"
"Cancel it," may pinalidad na utos ni Karylle na nagpabigla dito.
"C-Cancel? Anong oras mo gustong i-move?"
"Reschedule it until next week."
"Next week? Sigurado ka na diyan, Ana Karylle?" naninibagong tanong ni Amy.
"Move all my meetings for the whole week," tila walang pakealam na sabi ni Karylle.
"Kahit yung kasama ang new investors ng VUDC?"
Sa sinabing iyon ni Amy ay napaangat na ng tingin si Karylle. "Bakit naman ako nasama doon?"
"All the potential new investors are not only for VUDC, pati rin sa atin. Vice insisted."
"He's here?"
Amy could see how Karylle's face lit up the second she mentioned his name. Bakas sa mga mata at sa tono ng pananalita nito ang nanunumbalik na pag-asa.
"Wala pa. Wala ring update si Mariel kung kailan siya papasok, yun ay kung papasok pa siya dito."
"His employees are here. He'll have to show up anytime soon. Dalawang taon na nga siyang hindi nagparamdam sa kanila, eh."
"Sa kanila ba talaga o sayo?"
Malalim na napabuntong-hininga si Karylle. "I doubt he'll even want to see me again after what I did."
"Business partners pa rin naman kayo, kakailanganin niyo pa ring mag-usap kahit anong mangyari."
And as if on cue, they heard a familiar voice coming from outside of Karylle's office. Sabay silang napalingon sa nagkukumpulang mga empleyado na tila may sinasalubong.
With all her remaining hope, Karylle stood up and walked her way towards them to see the real event.
Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa bawat hakbang niya, pero sa isang iglap, biglang tumigil ang takbo ng oras sa sariling mundo ni Karylle nang makita na niya ang taong pinagkakaguluhan ng mga empleyado niya.
"Ma'am K! Nandito na ulit si Ser Bays!" puno ng siglang bati sa kanya ng isang empleyado, dahilan para mapunta sa kanya lahat ng mga mata... including his.
After two years of longing, their eyes finally met once again.
She felt her tears building up as she looked at him.
"You're here," hindi mapakaniwalang saad ni Karylle, almost inaudible.
She was about to take a step and close the gap between them.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...