Vice was in the middle of cooking breakfast when he felt a pair of arms making its way around his waist."Alam mo bang pwede kitang idemanda for trespassing my unit every morning?"
"Kasalanan ko bang binigyan mo ng susi 'tong masipag mong boyfriend?"
His eyes were still fixed on the eggs and bacon on the pan, halatang hindi sanay magluto kaya sobrang tensed.
"Iba-iba yata ang niluluto mong breakfast for me lately ah.. Nag-iimprove ka na magluto."
He turned off the stove, transferred the food into a plate at saka sila sabay na umupo ni Karylle.
"Whatchu think, kumander?"
"Better than your last one. Kumain ka na, nabigay ko na comment ko pwede mo na tanggalin 'yang titig mo sakin."
Ngiting-tagumpay naman na nagsimulang kumain si Vice. They pushed through with the rest of their morning errands after breakfast at sabay na ring pumasok sa trabaho.
Pagkadating palang nila sa mismong floor kung nasaan ang opisina nila ay sinalubong na sila agad ni Mariel na may hawak pang puting envelope.
"Good morning sa dalawa kong magagandang boss! Pinapabigay lang po ni Miss Anne, dinaan niya po 'yan kani-kanina lang."
Kinuha ni Karylle yung envelope at tinignan yung nasa loob nito. "Oh my gosh, ang bilis ng panahon. Magcecelebrate na sila ni Vhong ng kanilang second wedding anniversary, and we're invited to their party tonight, Vicey."
"Really? Parang kahapon lang kakakasal palang ng dalawang 'yun ah.."
"Oo nga eh tapos hindi ka umattend nun, ako lang tuloy mag-isa." kunwari'y nagtatampo pa rin na saad ni Karylle.
"Mag-isa daw sus, baka nga tuwang-tuwa ka pa na nawala ako nun. Kung hindi ako absent hindi mo naman papansinin si Christian nun."
Umiling lang si Karylle na parang ayaw ng makipagtalo pa.
"I have a meeting at 8, mauna ka na tapos susunod nalang ako dun." paalam ni Vice bago sila maghiwalay ng landas. Tumango nalang si Karylle saka pumasok na sa sarili niyang opisina.
--
"Waaaaaklaaaaaaa!!!"
Pagkapasok palang ni Vice sa mataong bar ay ang malakas na boses na kagad ni Anne ang bumungad sa kanya.
"Nasira na agad gabi ko dahil sa bunganga mo, girl—Aray! Nasaan ba asawa mo? Itatanong ko nga kung paano ka natatagalan nun."
"Tse! Hanapin mo lang, kausap niya sina Billy kanina eh. Jowa mo asan?"
Kumunot naman ang noo ni Vice sa huling narinig. "Wala pa si K?"
"Hindi ba kayo sabay pumunta dito?" tanong lang pabalik ni Anne sa kanya.
"Hindi. May meeting pa 'ko kanina kaya sabi ko mauna nalang siya eh.."
"Paparating na rin yun.. I need to go, enjoy yourself malaki ka na."
Pagkaalis ni Anne ay pumunta na siya sa bandang gilid ng bar kung nasaan ang drinks at umupo muna sa isang stool.
Ilang beses niyang sinubukang tawagan si Karylle pero hindi ito sumasagot. Nakailang text na rin siya pero siyang nakuhang ni isang reply. Kibit-balikat niyang ibinulsa ang phone at umorder nalang ng maiinom.

BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...