WB#18

1.4K 47 2
                                        


Karylle woke up to the sound of her phone beeping, she saw the time and it was just 6 in the morning, making her frown.

She unlocked her phone at tumambad naman sa kanya ang napakaraming missed calls ni Vice, he also sent her around ten messages, asking her to go to work earlier than usual.

Sinubukan niyang tawagan ito pero out of coverage kaya tinatamad man, she got up from bed and prepped up. Hindi naman siguro siya papupuntahin ni Vice nang mas maaga sa office kung hindi importante ang dahilan.

Wala pang isang oras ay nasa office na siya. Maski ang mga empleyado nila ay nagulat na maaga siya ngayon, binati nalang nila ang boss na inaantok man ay nagawa pa ring ngumiti sa kanila.

She settled her things in her own office first then headed out again and was about to enter Vice's pero naharangan na siya ng isang grupo ng kalalakihan.

"Ah, may kailangan kayo?"

Wala ni isa ang pamilyar sa kanya kaya hindi niya alam kung i-eentertain ba niya bilang siya ang boss doon, o ipapasa nalang sa secretary niya.

Nagtinginan yung mga lalaki at parang nagkaintindihan na sa simpleng eye-contact lang. They flashed a smile on their faces saka binalingan ulit si Karylle.

"Kami kasi yung pinadala ni Mr. Tan, C.E.O. of BBC Group of Companies, para makausap kayo personally and offer a partnership." sabi nung isa.

Tumango-tango naman si K.

"I see. Wala naman akong appointment ngayong umaga so I guess we can proceed with the meeting. Tawagin ko lang yung ibang members ng board,"

Papasok na sana siya sa office ni Vice pero natigilan nanaman siya nung bigla siyang hinigit sa braso nung isa pang lalaki. "Wait, wait!"

Napatingin siya sa braso niya tapos dun sa mukha ng lalaki, "Anything else?"

"Ah, ano kasi.."

Bago pa matuloy ang sasabihin nung isa ay bumukas na ang pintuan kaya sabay-sabay silang napalingon sa taong kalalabas lang. "Vice."

Napunta naman sa braso ni Karylle na hawak nung lalaki ang mata ni Vice kaya biglang nag-init ang ulo nito at hinili palapit sa kanya si Karylle.

Napuna agad ni Karylle ang masamang tingin na binibigay niya dun sa lalaki kaya nagsalita na siya ulit. "They're from BBC, they want to start a partnership with my company that's why they're here so we could discuss about the offer."

"Mariel! Dalhin mo sila sa meeting room, susunod kami sa inyo ni K maya-maya." utos ni Vice at dali-dali namang sumunod si Mariel kaya naiwan na sila ni Karylle. 

"Kaya pala ang tagal mo, nakikipagchikahan ka pa sa mga asungot na 'yon."

"Vice, business matter yung pinag-uusapan namin."

"Edi dapat tinawag mo ako."

"Ang aga-aga, ang sungit-sungit mo. Bakit mo ba 'ko pinapasok nang maaga? Inaantok pa tuloy ako."

Napailing nalang si Vice saka pinagbuksan siya ng pinto kaya pumasok na siya sa opisina nito. At ganon nalang ang pagkabigla niya nung makita ang inayos na set-up ni Vice.

There was a huge card and a half-human size teddy bear at sa may wall naman ay may nakalagay ding 'HAPPY 1ST MONTHSARY KURBA'.

Napasinghap siya at nagpatianod nalang nung pinaharap siya ni Vice sa kanya. She felt his thumb on her cheek and that was the only time she realized na napaluha na pala siya sa sobrang overwhelmed. It wasn't the first time he surprised her, sa tagal ba naman ng pagkakaibihan nila. But this was definitely something extra special. Eto ang unang natanggap niyang surprise kay Vice mula nung naging sila.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon