WB#5

2.3K 71 4
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising sina Vice at K, dala na rin siguro ng init at gutom. Tulad kahapon ay naghanap sila ng pagkain at sa awa ng Diyos ay pinagpapala pa naman sila.

Kakatapos lang nila kumain nang maisipan ni Karylle na lumusong sandali sa dagat para snaa mabawasan rin ang init na nararamdaman niya ngayon. Si Vice naman ay abala sa pagpapagana ng cellphone niya para sana makatawag na kila Anne.

Buong atensyon ni Vice ay nasa pag-aayos lamang nito hanggang sa makarinig siya ng malakas na sigaw na malamang sa malamang ay kay Karylle nanggaling.

Dali-dali siyang napatayo at tinanaw si Karylle sa dagat at nakita naman niya na parang malapit nang matumba at maiyak sa kinatatayuan nito na hindi rin naman kalayuan.

Mabilisang sumulong si Vice patungo sa kinaroroonan ni Karylle at nang makitang may natapakan palang malaking bato si Karylle ay binuhat niya ito at dinala sa may pampang.

Inobserbahan ni Vice ang paa ni Karylle at nakitang dumudugo na ang gitnang bahagi ng talampakan nito. Agad siyang naghanap ng mga dahon-dahon na pwedeng ipanggamot muna sa mga sugat ni Karylle at nagtagumpay naman siya dahil matapos ang mahigit isang oras ay bumuti na ang kalagayan ni Karylle.

Bagamat kalmado na at hindi na dumudugo ang sugat niya ay hirap pa ring maglakad si Karylle kaya nagvolunteer na si Vice na siya na muna ang maghahanap ng pagkain nila.

"Pangalawang araw na natin dito. Paano ba tayo makakaalis dito? Hindi naman pwedeng habang buhay na tayo nandito.." saad ni Karylle sa kalagitnaan ng pagkain nila. May nahanap na ilang prutas si Vice at iyon ang pilit niyang pinagkakasya ngayon.

"Tinry ko ayusin 'yung phone ko pero ayaw na talaga eh.."

Natigil nalang sila sa pagkain nang matanaw nila ang isang bangka sa di kalayuan.

Sabay silang napatayo at patakbong lumusong sa mababaw na parte ng dagat at doon nagsisisigaw hanggang sa napansin na rin sila sa wakas nung mga nasa bangka.

"Tulungan niyo po kami. Lumubog po kasi 'yung bangkang sinasakyan namin kaya napunta kami dito at hindi na makabalik sa kabilang isla." paliwanag ni Vice.

"Sumakay na kayo dito. Hahatid na namin kayo pauwi." suhestyon nung isang matandang lalaki. Abot langit ang tuwa ng dalawa nang sa wakas ay makatapak na sila ulit sa islang pinanggalingan nila.

Agad silang nagtungo sa resort kung nasaan din sina Anne. Sa mga natira namang oras sa araw na iyon ay nagpahinga na lamang sina Vice at Karylle na parehong pagod na pagod dahil sa pinagdaanan nila. Nagkasundo rin ang magkakaibigan na umuwi na kinabukasan lalo na't nag-aalala na rin sila sa mga kaganapan sa Maynila, partikular na sa mga trabaho nila.

Pasado alas-onse na nang gabi at nahihimbing na ang magkakaibigan. Bigla namang naalimpungatan si Vice at tuluyang nagisingan ng diwa nang makitang wala nang Karylle sa tabi niya.

Painat-inat pang bumangon si Vice at nagtungo sa balcony ng kwarto nila pero wala din doon si Karylle. Sinubukan niya itong tawagan lero nasa kwarto rin pala ang cellphone nito kaya no choice na si Vice kundi galugurin ang buong beach.

Hindi na rin naman siya nahirapan at mabilis din niyang nahanap ang kanyang pakay.

Nakatingin lang sa kawalan si Karylle habang nakaupo sa may buhangin at yakap-yakap ang dalawang binti niya. Hindi na niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong estado pero para sa kanya'y wala namang mali doon lalo na't ligtas naman ang lugar at wala na rin masyadong tao.

"May I?"

Napaangat ng tingin si Karylle at napanatag nung makita si Vice. She noddes her head in response and tapped the empty space beside her.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon