WB#7

2.1K 82 0
                                    




Kinabukasan, matapos pag-usapan ang tungkol sa business offer ni Christian, kung saan nagkasundo sina Vice at Karylle na tanggapin na, ay napagdesisyunan nilang lumabas muna for today at manood ng sine. Wala na rin kasi masyadong trabaho sa opisina kaya't kayang-kaya na ang mga natira nina Amy at Mariel at iba pang mga empleyado ng dalawang kompanya. Si Zeus naman ay hindi na rin prinoblema ni Vice dahil busy umano ito sa trabaho.

Vice insisted na sa sasakyan nalang niya sumakay si Karylle para mas madali na rin. Right after eating their lunch, bumili sila sandali ng ticket saka nagsimula ng mag-ikot.

"Pogi!" tawag ni Karylle kay Vice na nakaupo lang sa labas ng fitting room.

"Whatchu think?"

She was wearing an off-shoulder and above the knee dress na medyo see-through din. Vice being Vice, he never allowed Karylle to wear this type of clothing na kung tawagin nga niya minsan ay, "Kinulang sa tela" lalo na kung wala namang importanteng rason o event.

Naningkit ang mga mata ni Vice habang pinagmamasdan ang suot ni K sabay iling as a sign na hindi niya ito gusto. 

Nung makabili na si Karylle ay siya naman ang sumama kay Vice.

Habang tumitingin-tingin si Vice sa women's section ay bigla naman siyang nilapitan ni K at may hawak itong long-sleeves navy blue na polo.

"Seriously?" di makapaniwalang tanong ni Vice.

"Wear this on my birthday. Kahit sa araw lang na 'yun ang first and last." hiling ni Karylle.

"No."

"Please?" subok muli ni K at nagpacute pa.

Walang gana niyang hinablot kay Karylle ang damit. "Fine! Pero sa birthday mo lang ah."

Every year tuwing birthday ni Karylle, hinahayaan niya na ito mismo ang pumili kung ano ang susuotin niya. And being Vice Pogi's number one fan, syempre panlalaking outfit ang nirerequest niya lagi.

Around 1:45pm na nung magkasundo silang pumasok na sa sinehan, na may dalang popcorn at isang soda na nakuha nila ng libre dahil sa pagsali ni K sa isang quick raffle draw kanina.

At dahil horror lang naman ang napili nilang panoorin, literal na buong movie ay nakakapit si Karylle habang nakasandal din ang ulo nito sa braso ni Vice at sa tuwing nagugulat o natatakot ito sa pinapanood ay isinisiksik at ibinibaon niya ang kanyang mukha sa braso ni Vice na tinatawanan lang naman siya.

Ilang beses pa nga silang sinitsitan ng mga kasama nila sa loob ng sinehan dahil sa ingay nilang dalawa. Idagdag pa ang walang tigil nilang agawan sa dalang popcorn at drink.

Nung matapos ang movie ay wala pa rin sa sarili si Karylle, dala pa rin ng takot sa pinanood kaya minabuti ni Vice na akbayan nalang ito at gabayan sa paglalakad. Kadalasan kasi nagugulat nalang si Vice na tumigil na pala sa paglalakad si Karylle at naiwan na pala ito sa kung saan. Kundi man maiwan ay paulit-ulit naman itong natatalisod o napapahamak sa escalator.

Once na makarating na sila sa sasakyan ni Vice ay hindi pa rin gaanong okay si Karylle kaya naisipan ni Vice na dalhin ito sa hindi mataong parte Manila Bay. Doon kasi sila madalas tumambay lalo na tuwing may problema sila o di kaya ay gusto lang nilang magrelax.

Iniwan ni Vice si Karylle sa isang sulok at paulit-ulit na binalaang huwag itong aalis doon. Mabilisang bumili si Vice ng paborito ni Karylle na lumpia at sa awa ng Diyos ay naabutan pa niya si Karylle sa kung saan niya ito iniwan. Habang kumakain ay kapansin-pansin na bumabalik na sa dati si Karylle at ikinatuwa naman ito ni Vice.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon