*Chapter 5* ( Ang taong MANHID. )

4.4K 54 9
  • Dedicated kay Kimberly Anne Baluyut
                                    

“Alam ko mahirap gawin. Naiintindihan ko. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ka magtatago? Kung kailan huli na ang lahat? Umaasa ako. Umaasa na balang araw sayo mismo o marinig ko mismo sayo ang mga salitang magpapasaya sa buhay ko. Sana masabi mo din ang salitang MAHAL KITA sa harap ko.”

-- Anonymous

*CHAPTER 5* ( Ang taong MANHID. )

~GAB’s POV~

=______= inis. Hindi mawala sa isip ko ang babaeng yon! Bakit ba kase inagaw pa nya saken ang oishi ko?!?

“HOY!!!”

Sh*t! Muntik na kong mapatalon dito sa bleachers habang nakaupo dahil sa lalakeng bigla nalang susulpot dito! Tss!

“BAKIT BA?!?” sigaw ko sa sira ulong Patrick na’to. Tama ba kaseng gulaten ka eh nakitang may iniisip ako!

(^^,) Patrick

(.~~) Ako

Bakit ganito makangiti tong isang to? Sarap upakan eh!

“Ano? Ayusin mo Patrick yang ngiti mo ah.” Ako.

(^^,) Patrick

(.~~) Ako

“Hehehe mukhang first time to ah. Nakakapanibago ka pre! Ngayon ka lang ata natulala since nung---“ Patrick.

Pinutol ko na sasabihin nya dahil ipapaalala na naman ng sirang to yung araw na yon.

“Anong problema don? Masama na bang matulala?!” inis kong sabi sa kaniya.

“Hahaha! Hindi naman sa ganun pre! Siguro sayo masama pero samen hinde! Hahaha!”

“Nababaliw ka na naman Patrick. Dyan ka na nga! Baka madagdagan pa punishment ko nito dahil sa pakikipag-usap ko sa walang kwentang tao!” sabay tayo at lakad kaso hindi pa nakuntento tong baliw na’to may pahabol pa,

“Sus! Dahilan mo pre! Sabihen mo di ka natatakot madagdagan punishment mo pag yung si Ms. Beautiful ang iniisip  mo! Hahaha!”

Tiningnan ko nalang sya ng masama at bumalik na sa mga kasama namen. Nagbreak time lang kasi kame saglit dahil may kinausap si captain. Busy kasing tao eh haha!

***

After ng dalawang oras na practice ay umuwi na kame.

Palabas na sana kami ni Patrick ng bigla akong tawagin ni captain,

“Stephen.”

Napalingon ako. Stephen nga pala tawag nya saken. Pero usually Gab ang tawag sakin. Iba kase talaga tong si captain eh. Ang totoo yun naman talaga ang tawag nya skin. Magkababata kami nyan pero kahit ganun takot ako dyan, grabe magbigay ng parusa eh. Hahaha!

“Bakit captain?”

“May sasabihin ako. Magkita tayo bukas. Sa dati. Same time. Sige ingat kayo.”

Sumaludo nalang ako. Ganun din naman si Patrick. Isa pa rin kasing takot to kay captain eh. Pero wag kayo! Minsan ng na-in love yan! Kaya nga naging ganyan ugali nya eh. Naging suplado, masungit, man of few words at para bang walang pakialam sa ibang tao. Dahil lahat yun sa isang babae. Babae na minahal niya pero hindi sya kayang mahalin at iniwan siya. Teka nga! Bakit ko ba kine-kwento? Ipapakilala naman siya ni author sa mga susunod na chapters eh.. ;)

Naglalakad na kami papuntang car park nang biglang nagsalita tong kasama ko, “Pre.”

“Ano?” habang patuloy pa din sa paglalakad.

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon