*Chapter 64* ( Am I Too Late? )

2.4K 43 7
                                    

*CHAPTER 64* ( Am I Too Late? )

~CLENERY's POV~

“Ms. Stealer? Anong ginagawa mo dito?”

Nagpunta ako sa unit ni Gab para makausap sya at tanungin tungkol sa mga bagay bagay.

Ngumiti ako sa kanya, “Hindi mo man lang ba ako papapasukin?”

Nagtataka nyang tiningnan ako. Expected ko na to. Hindi ko naman kasi sya ininform na pupunta ako dito. Matagal na din ng huli kaming nagkita.

Binuksan nya ng maluwang ang pinto. Sign na pinapapasok nya ako.

Naglakad ako papunta sa loob ng unit nya. Ganun pa rin ang ayos nito.

Umupo ako sa sofa ng salla nya at kumuha naman sya ng juice at inilagay sa table na nasa tapat ko.

Pagkatapos nun ay umupo sya sa katapat kong sofa, “Ngayon, pwede mo na bang sabihin kung bakit ka nandito?”

Uminom muna ako ng juice, “Wow. Ang sarap nito ah. Galing mo magtimpla.”

Pansin ko na nakatitig lang sya sakin habang ako naman ay umiinom pa rin, “Hmm. Turuan mo naman ako kung paano ang tamang timpla nito. Ang sarap eh.”

Naramdaman ko na napabuntong hininga sya, “Alam mo sa ginagawa mo lalo lang akong nahuhulog sayo.”

Agad akong napatingin sa kanya ng sabihin nya yon. Tiningnan ko sya ng seryoso. Akala ko medyo nabawasan na ang nararamdaman nya para sakin pero mukhang mali ako.

“Gab.” yan lang ang nasabi ko.

Ngumisi sya, “Sabi ko na nga ba. Yun lang ang paraan para tingnan mo ko at maging seryoso ka.”

Kung kanina seryoso ko syang tiningnan ngayon ay tiningnan ko sya ng masama. Ibang klase talaga to mang-asar eh. -__-

“Ewan ko sayo.” uminom nalang ulit ako ng juice at inenjoy ito.

Narinig ko na napatawa sya, “Kung ako nalang sana ang pinili mo eh di araw araw, oras oras, minu-minuto at segu-segundo mong matitikman ang juice na yan.”

Tiningnan ko ulit sya, “Alam ko naman na kahit hindi ko gawin yon ipapatikim mo pa rin sakin ang juice na to. Diba?” nakangiti kong sabi.

“Paano ka naman nakakasigurado?”

“Hmm. Sabihin na natin na espesyal ako sayo. Sa inyo ni Marc dahil magkababata tayo?”

Nagulat sya sa sinabi ko. Sinadya ko talaga yun. Para masimulan na ang pinunta ko dito.

“Teka.. Wag mong sabihing---“

Tumango ako, “Naaalala ko na ang lahat. Kayong dalawa ni Marc ang mga kalaro ko noon. Bago pa ako magkaroon ng temporary amnesia.”

“Temporary amnesia?” saglit syang nag-isip, “Kung ganun, kaya mo kami hindi maalala dahil may temporary amnesia ka?”

“Yep. Ganun nga. Naalala ko lang kayo ng macurious ako dahil sa mga panaginip ko. Mga alaala ng nakaraan. Tinanong ko sila kuya about dun pati ang parents ko at sinabi nila sakin ang lahat. Ang tungkol sa inyong dalawa ni Marc.”

“Ayos ah. Mabuti naman at naalala mo na kami. Pero saming dalawa ni Marc, sya ang pinakanasaktan sa nangyari.”

Ngumiti ako, “Siguro naman alam mo na kung bakit ako nandito? Gusto kong malaman kung ano ang nangyari nung umalis kami at nagpunta ng New Jersey.”

Sumandal sya sa sofa, “Ahh. Yun pala. Sige sasabihin ko sayo. Kaya makinig kang mabuti.”

Tumango ako sa sinabi nya, “Nung mga panahon na nalaman namin na hindi mo kami maalala, sobra kaming nagulat nun. Kasama na syempre ang masaktan. Kasi kami lang ang hindi mo maalala. Pero gaya ng sabi ko mas nasaktan si Marc sa nangyari. Mas close kasi sayo si Marc. At nung umalis ka ng hindi nagpapaalam sinubukan ni Marc na pigilan ka. Nagpunta sya sa bahay nyo. Sa bago nyong bahay. Lahat ginawa nya para malaman ang bahay nyo. Iniyakan nya ang mga magulang nya para don. Pero huli na hindi ka na nya naabutan. Sinamahan ko sya noon at nakita ko kung paano nya habulin ang sinasakyan

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon