“Tanggapin ang mga bagay na WALA na at maging masaya sa kung ano pa ang natitira.”
-- Anonymous
*CHAPTER 13* ( The Date ♥ )
~CLENERY’s POV~
(--.) (.--)???
“Uhh. Mr. Stealer anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kaniya nang makababa kami sa sasakyan niya.
“Mag-swi-swimming tayo dito. Tss. Di ba obvious kung ano ang ginagawa sa park? Ha?”
~______~ Ayan na naman.. Si hari ng kapilosopohan. Psh!
“Tinatanong kasi ng maayos diba? Hindi naman masama sumagot ng maayos? Ang ibig ko kasing sabihin, bakit tayo nandito?”
Napalingon ako sa kaniya at nakita ko naman na naka-smirk siya.
(~~.)? Problema nito?
“*smirk* Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta sa ganitong lugar?” sabay tingin sakin.
Teka? Ano daw? Tinatanong niya kung hindi pa daw ako nakakapunta sa mga Park?
“Tss. Mukha ngang ngayon ka palang nakap---“
“Baliw ka ba? Ano akala mo sakin inosente? Syempre nakapunta na ako sa ganitong lugar!”
“Oh? Talaga? Eh di tara na! Dito natin gagawin yung deal na sinabi mo!” nakangiti pa rin siya ng nakakaloko.
Ano ba iniisip ng lalaking ‘to?!
“Deal?”
“Yeah, yung deal na---“
“Ililibre mo ko? Yun yung deal natin diba?”
“O-oo! Yun nga! Tara na! Dalian mo!” naglakad naman siya kaya sinundan ko.
Kung titingnan napakadisente niya sa suot niya ngayon. Naka-V neck T-shirt siya na color gray tapos naka-fit na skinny black pants at sapatos na white. Yung sapatos niya yung matulis ang dulo, yung pangterno talaga sa skinny pants. Aaminin ko ang gwapo niya tingnan. Gwapo naman talaga siya eh, di ko lang sinasabi kasi baka lumaki ulo niya. Mahirap na. >_>
Nagulat naman ako ng bigla siyang huminto. Nauntog tuloy ako sa likod niya! >_< ang sakit. T_T
“Ano bang ginagawa mo? Ang bagal mo naman! Parang wala akong kasama dito!”
“Eh ang bilis mo kasing maglakad! Parang may humahabol sayo!”
Totoo naman. Ang bilis bilis maglakad! Hindi tuloy ako makahabol. Tapos nakalagay pa yung dalawa niyang kamay sa pocket niya. Ang cool niya tingnan.. >_>
“Maraming humahabol saken. Tingnan mo paligid mo.” Siya.
Tumingin naman ako,
O__O Bakit nakatingin lahat ng babae sa park dito samen? Uhh.. Ang ibig kong sabihin sa kasama ko lang pala?! Pati yung may kasamang boyfriend nila ganun din! Ano ba yan! Hindi ba nila maiisip na magagalit ang boyfriend nila pag tumingin sila sa iba? Psh!
“Oh ano? Kita mo na? Samahan mo kase ko para hindi na sila tumingen.” Sabi niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko.
Naglakad na kame. Teka? Holding hands while walking ba ‘to? Eh siya lang naman nakahawak sa kamay ko eh.
Tumingin ako sa kaniya. Aba seryoso ah.
“Hoy Mr. Stealer, bakit kailangan ganito ayos natin?” tinutukoy ko yung HHWW na kadramahan niya.. -___-
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...