“Face can speak a thousand emotions. It can easily mask what the heart truly feels. The happiest face maybe masking the most hurting heart.”
-- Anonymous
*CHAPTER 20* ( HE came during My Special Day. )
~CLENERY’s POV~
“Ayan. Look at you! You’re like a Goddess my dear Clenery!” sabi ni Ate Junifer. Ang baklang nagayos sakin.
Nginitian ko nalang si Ate Junifer. Hindi ko alam pero wala kasi ako sa mood ngayon. Kaya lang dapat ibalik ko na ang mood ko dahil ilang oras nalang gaganapin na ang birthday ko.
Pagkatapos akong ayusan ni Ate Junifer ay nagsabi siya na kukunin lang daw niya ang susuotin kong gown para mamaya.
Naupo muna ako sa kama. Nandito kami ngayon sa isang 5 star hotel. Ito ang napiling venue ng mga kapatid ko para pag-ganapan ng debut ko.
Nalaman ko na imbitado ang lahat ng students ng C.U sa party na ‘to.
Pinaghandaan nga talaga nila. Sinabi din sakin nila kuya Nate na matagal na nilang ginagawa ang preparations para sa special day na ito. Wala pa daw sila dito inaayos na nila ang mga dapat ayusin para dito.
Napabuntong hininga nalang ako. Naiintindihan ko naman kung bakit nila kinailangan gawing bongga ang pagsapit ng debut ko. Kasi diba only girl ako at bunso pa kaya lahat binuhos nila sakin. Thankful naman ako dun pero hindi lang talaga ito ang gusto ko para sa debut ko. But still happy naman ako.
Dumating na si Ate Junifer at ipinakita niya sakin ang susuotin ko. Maganda siya. Eleganteng tingnan. Kahit sino siguro ang magsuot nito magiiba ang itsura eh. Ang galing ng mga designers. Hehe
Isinuot ko na ang gown ko at tinulungan naman ako ni Ate Junifer para maiayos ang pagkakalapat sakin.
Ilang sandali pa ay natapos na niya itong ayusin. Pinaharap naman niya ako sa whole body mirror sa kwarto.
(A/N: pakitingnan nalang po yung picture na yun sa gilid para sa itsura ni Clens. Hehe.)
Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay isa lang ang nasabi ko,
“WOW.” napahanga ako sa sarili ko.
Hindi ako makapaniwala! Ako ba talaga ‘to?!
“See? I told you! You’re such a Goddess!! Kakainggit ang beauty mo te!” sabi ni Ate Junifer.
Nagpalipas lang kami ng ilang oras hanggang sa pumasok sa kwarto si Kuya Nate.
“My lady are you ready?” sabi niya pagkapasok niya.
Huminga muna ako ng malalim saka ngumiti, “Yes Kuya.”
Sabay na kaming lumabas ng kwarto ni Kuya at nagpunta sa Hall ng hotel.
Pagkadating naman namin doon ay sinalubong agad kami ng tatlo ko pang kuya,
“Wow! Gorgeous!” Kuya Melvin.
“Lalong lumabas ang ganda mo My lady.” Kuya Michael.
“Tsk! Buti nalang ako escort mo. Mababantayan kita sa mga lalaki don sa baba.” Sabi ni Kuya Shin.
Yep tama kayo ng nabasa, si Kuya Shin ang napili kong maging escort. Hehe. Wala namang problema yun kila kuya eh. :D
Magsasalita na sana ako para sagutin ang mga sinabi nila kuya nang may boses akong narinig mula sa likuran,
“Aww. Darling look at our daughter. She’s pretty! She’s a lady now. She’s not our baby anymore!”
“*sigh* I know, I know. She changed a lot. I miss my baby.”
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...