*Chapter 36* ( The start of her plan. )

2.8K 34 15
                                    

*CHAPTER 36* ( The start of her plan. )

~CLENERY’s POV~

Nanatili pa rin akong nakatitig kay kuya Mak.

Seryoso lang syang nakatingin sakin..

Hindi ko alam kung bakit niya yun sinabi..

‘Layuan mo sila Marc at Gab. Iwasan mo sila Ery.’

Paulit ulit yan sa utak ko.

Hindi ko lubos maisip kung bakit yun ang hiningi niyang favor sakin.

Bakit ko sila kailangan iwasan?

Iniwas ni Kuya Mak ang tingin niya sakin at tumayo.

“Pagisipan mong mabuti ang sinabi ko Ery.” Pagkatapos niya yun sabihin ay nagumpisa na syang maglakad.

Hindi pa man siya nakakalayo ay bigla siyang huminto, “No. Wag mo na palang pag-isipan.” Humarap siya sakin, “Gawin mo nalang ang sinabi ko Ery. Minsan lang ako humingi ng favor sayo. Alam mo yan.” Seryoso niyang sabi saka siya naglakad paalis.

Bigla akong nanghina at napaupo sa sofa namin.

Bakit?

Bakit kung kailan napapalapit na ko sa kanila saka ko sila kailangan iwasan?

Ano bang nasa isip ni Kuya Mak at sinabi niya yun sakin?

Hindi ko man lang nagawang itanong kung bakit yun ang hiningi niya saking favor.

Iniisip ko kasi kung paano ko iiwasan si Mr. Manhid at Mr. Stealer,

Paano ko yun gagawin?

Siguro kung noon pa sinabi sakin yun ni kuya Mak ay kaya ko pang iwasan ang dalawa.

Pero iba na ngayon..

Dahil alam ko sa sarili ko,

Na tinuring ko na silang mga kaibigan ko.

***

“Thank you.” Walang lakas na sabi ko sa cashier matapos niyang ibigay ang sukli ko.

Naisipan ko na maglakad lakad muna dahil ayoko rin naman mag-stay sa C.M.

Ayokong maisip yung favor sakin ni Kuya Mak kaso wala eh. Naiisip ko pa rin yun.

Mukha akong lutang.

Walang pakialam sa mga taong nakakasalubong ko.

Lakad lang ako ng lakad..

Ang daming tanong sa utak ko.

Naghalo halo na sila.

Una, sino ang lalaki nung birthday ko?

Ano ang dahilan ni Elycar at bumalik pa siya sa buhay ko?

Yung bracelet na nakita sa debut ko, si Mr. Stealer ba ang nagmamay-ari nun?

Yung favor ni Kuya Mak. Bakit naisipan niya na iwasan ko ang dalawa?

Paano ko sila maiiwasan kung alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya?

At higit sa lahat,

Bakit pakiramdam ko na masasaktan ako kapag nilayuan ko ang isa kila Mr. Manhid at Mr. Stealer?

Ang daming tanong na gumugulo ngayon sa utak ko,

Mga tanong na hindi ko alam ang kasagutan,

Patuloy lang ako sa paglakad..

Hindi ko alintana ang mga nakakasalubong ko at yung daan na dinadaanan ko.

Pakiramdam ko, nakatulala lang ako habang naglalakad.

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon