*CHAPTER 54* ( Of all people.. Why her? :’( )
“Glad you’re back.” Sarcastic na sabi ni Elycar sa lalaking nasa harap nya.
Nakaupo ngayon si Elycar sa sofa sa salla ng bahay nya. Nakatayo naman si Keiffer at nakatingin lang sa kanya.
“Bakit mo ko pinapunta dito?”
Pinaglaruan muna ni Elycar ang baso ng alak sa kaliwang kamay nya at ngumiti kay Keiffer, “Do you really need to ask that?”
Tiningnan sya ng matalim ni Keiffer, “I don’t have time for this sh*t Elycar. Now, if you don’t have any important thing to say, I’ll better go---“
“Oh c’mon Keiffer. Don’t be too impatient my dear.” Tumayo si Elycar para lapitan si Keiffer. Hinawakan nya ito sa mukha, “You know what? I missed you.” Akmang hahalikan nya si Keiffer ng pigilan naman ito ng lalaki.
“Don’t fool yourself Elycar. We both know the truth.”
Napatawa si Elycar ng sarkastiko at napaiwas ng tingin kay Keiffer.
“Yeah. Yeah. You’re right.” Muli syang tumingin sa binata, “But Clenery doesn’t have any idea about it. How sad.” Umarte pa si Elycar na parang nalulungkot kaya lalong nainis si Keiffer.
“What do you want?” madiin na tanong ni Keiffer kay Elycar.
Humarap si Elycar kay Keiffer at tiningnan nya ito ng seryoso, “All I want is....” tinitigan maigi ni Elycar si Keiffer at napansin nya na parang maga ang mga mata nito. Natigilan sya sa pagsasalita at unti unting ngumiti. Alam na nya ang dahilan kung bakit namaga ang mata ni Keiffer.
“Wait. Umiyak ka ba?”
Halata na medyo nabigla si Keiffer sa tinanong ni Elycar. Hindi nya kasi yun inaasahan. Akala nya ay sasabihin na nito kung ano ang gusto nyang mangyari.
“Wag mong ibahin ang usapan.”
Napangisi si Elycar, “Kelan pa nagkaroon ng ganyang rule Keiffer? I can change the topic anytime I want.”
“Wala na talagang pag-asa para magbago ka pa. Nakakaawa ka.”
Natigilan si Elycar sa sinabi ni Keiffer. Kahit hindi nya aminin. Alam nya na nasaktan sya sa sinabi nito pero hindi nya pinahalata.
Tumawa si Elycar, “You’re so funny. Ofcourse I know that. You don’t have to say that to me. Matagal ko ng alam Keiffer.”
Napangisi si Keiffer na ikinainis naman ni Elycar, “Really? So, matagal mo na din palang alam na kaya walang makatiis sayo dahil sa ugali mo?”
Pinigilan ni Elycar na mapikon sa sinabi ni Keiffer. Dahil alam nya na kapag napikon sya ay sya ang masasabihan ng talo. At wala sa vocabulary ni Elycar Aldama ang salitang ‘Loser’.
“Yup. I’m aware of that. But I’m not affected at all. They are all insecure and I understand them.”
“Tch. Insane.”
“Say whatever you wanna say honey. Hindi ko kailangan magpaapekto dyan. Dahil sa huli, makukuha ko naman ang gusto ko.”
“Paano ka nakakasigurado?”
“Because I believe in myself, at sa kung ano ang kaya kong gawin.”
“Hindi mo makukuha ang gusto mo. Hinding hindi.”
“Yeah right. But do you know this statement? That sometimes, you just can’t have what you want when you want it. But that doesn’t mean you can never have it. Everything takes place at the right time. It’s not NO, it’s just NOT NOW.”
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomantikThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...