*EPILOGUE
“He's going to New York with our parents. And we don't know when he will come back.”
Pakiramdam ni Clens ay binagsakan sya ng isang mabigat na bagay at tumama ito sa puso nya.
Napaluha sya ng marinig ang sinabi ni Keith. Nahuli na ba sya? Wala na bang pag-asa na magkita silang muli ni Marc? Ito na ba ang ending ng love story nilang dalawa?
Umiling iling si Clens habang nakatingin kay Keith at umiiyak, “H-hindi totoo yan Ate Keith.. H-hindi umalis si Marc.. Hindi nya ako iniwan diba? Nandyan lang sya sa loob diba? Ate Keith.. Hindi pwede..” pahina na pahinang sabi ni Clens dahil napahagulgol na sya.
Dahan dahan syang nilapitan ni Keith at hinawakan ang kamay nya, “Shhh. Tama na yan.. Babalik pa naman siguro si Marc. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay. Kaso, kaya mo bang maghintay?”
Napatingin si Clens kay Keith, “Pero ate Keith... May sasabihin pa ko sa kanya.. Kaya hindi sya pwedeng umalis nalang bigla.. Hindi pwede ate Keith..”
Napangiti si Keith, “Don't worry.. Dadating din ang tamang panahon para sa inyo ni Marc. For now, take this.” may kinuha si Keith sa bulsa nya at binigay kay Clens, “Go in this exact address.”
Tiningnan ni Clens ang binigay ni Keith na papel, “A-ano to?”
“Just go there. Trust me.” sabi ni Keith.
Tiningnan ni Clens si Keith ng may pagtataka, “Pero...”
“Shut up and hurry up. Go there now. Just trust me Clens. Ok?” seryosong sabi ni Keith.
“Mommy. Stop crying na. Follow ate Keith nalang. I hate seeing you and daddy crying.” sabi ni Storm sabay yakap kay Clens.
Pinunasan muna ni Clens ang mukha nya at ngumiti kay Storm, “Thank you Storm.”
Ngumiti din sa kanya si Storm at umalis sa pagkakayakap. Tiningnan ni Clens si Keith. Nakita nya itong ngumiti at tumango kaya napangiti din sya.
Nagpaalam sya sa dalawa at mabilis na umalis sa Hardy Mansion. Agad syang sumakay sa kotse nya at pinaandar ito papunta sa address na binigay sa kanya ni Keith.
Walang idea si Clens about sa address na binigay ni Keith. Pero pakiramdam nya ay nacurious syang bigla at nabawasan ang sakit sa puso nya. Hindi nya alam pero naeexcite sya.
***
Bumaba si Clens sa kotse nya at tiningnan ang isang malaking bahay na nasa harapan nya.
Ito ang itinuro ng papel na hawak nya. Nagtaka sya. Bakit isang malaking bahay ang ipinapuntahan sa kanya ni Keith? Anong meron dito?
Nag-umpisa ng maglakad si Clens palapit sa gate ng bahay.
Binuksan nya ito at naglakad papunta sa pinto ng bahay.
Dahan dahan nyang pinihit ang door knob at nagulat sya ng bumukas ito.
Akala nya ay isa itong abandonadong bahay ngunit nabigla sya ng makita nyang nakaayos ang mga gamit nito at mukhang alagang alaga ang bahay.
Naglakad sya sa salla. Pamilyar ang lugar na to sa kanya. Pakiramdam nya ay nakapunta na sya dito.
**
“Hahaha! Habol pa! Ang bagal bagal mo naman! Hahaha!” sabi ng isang batang babae habang tumatakbo sa salla.
“Ahh ganun ah? Mabagal pala ah! Halika nga dito!” sabi naman ng isang batang lalaki habang hinahabol ang batang babae.
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...