*CHAPTER 35* ( The Favor. )
~CLENERY's POV~
"KUYA MAK!" tawag ko at agad na nagpunta sa kaniya.
Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya, "Kuya Mak.." malumanay kong sabi.
Napatingin ako kay Mr. Stealer na nakayuko at nakaupo sa may sofa dito sa room ni Kuya Mak."W-what happened?" tanong ko
Inangat niya ang ulo niya at tumingin sakin, "Naalala mo ba yung tumawag sakin nung gabi na nag-date tayo? Nurse yon at tinanong nya kung kilala ko daw ba si John dahil nakalagay daw ang number ko sa speed dial ng cellphone niya. Sinabi niya na may nangyari kay John at pinapunta niya ko dito." huminga muna siya ng malalim.
Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya habang hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Kuya Mak.
"Sinabi sakin nung nurse na may nagdala kay John dito sa hospital at puro dugo ang katawan niya. Tinanong ko kung alam nila ang dahilan pero umiling lang sila." pagpapatuloy niya
Tumayo siya at lumapit sa bed ni Kuya Mak, "Pero sabi ng doctor ayos na daw siya. Buti daw naagapan agad. Injured nga lang siya. Kaya lang..." tiningnan niya si Kuya Mak.
"Kaya lang ano?" paguusisa ko.
Tumingin siya sakin. Yung mga mata niya, bakas doon ang awa. Pero bakit?
Nagpakawala siyang muli ng malalim na paghinga bago nagsalita, "Clenery, hindi na pwedeng maglaro ng basketball si John."
Sa sinabi niya bigla akong nanghina.
Tiningnan ko si Kuya Mak na nakahiga at may dextrose na nakakabit sa kaniya.
Naiiyak ako..
Bakit?
Bakit kailangan mangyari to sa kaniya?
Alam ko kung gaano niya kagusto maglaro ng basketball..
Alam kong pangarap niyang maging isang sikat na basketball player isang araw.
Pero ngayon,
Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa kamay niya,
Pinilit kong magsalita kahit patuloy na umaagos ang mga luha sa mata ko.
"K-kuya Mak.."
Alam ko na nakatingin lang samin ngayon si Gab.
Ako, si Gab at si Kuya Mak lang ang nandito ngayon.
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...