*Chapter 43* ( They meet again. )

2.8K 36 6
                                    

*CHAPTER 43* ( They meet again. )

~CLENERY’s POV~

*tok*

*tok*

“Come in.” Sabi ko habang nag-aayos sa harap ng salamin.

“Oh, Marie, aalis ka?” tanong sakin ni Yaya Jane ng makapasok sya sa kwarto ko.

“Yup yaya Jane. Ayoko ng magkulong dito sa mansion. Gusto ko pong magpahangin sa labas.”

Ilang araw na din ako dito sa Cebu. May bahay kami dito pati sila Kuya Mak. Magkatabi lang naman ang bahay namin eh. Kaya mas pinili ko na dito nalang tumira sa mansion namin kaysa sa mansion nila Kuya Mak.

Kung itatanong niyo kung galit ba ako kay Kuya Mak, syempre hindi. Hindi ko kayang magalit sa kaniya. Masyado syang mahalaga sakin eh. At alam ko na kaya nya to ginagawa ay may malalim syang dahilan at yun ang aalamin ko.

“Mabuti naman at medyo nakakamove-on ka na sa ginawa ni John. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit nya yun ginawa.” Yaya Jane.

Natapos na ako sa pag-aayos kaya pinuntahan ko si Yaya Jane na nakaupo sa may kama ko at nakaharap sakin. Pinasama siya dito ni Kuya Mak. Alam niya kasi na close ko si Yaya Jane.

“Alam ko yaya na may dahilan si Kuya Mak kaya nya nagawa to. Malalaman ko din yun sa takdang panahon.” Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Aaminin ko nung dumating kami dito ay nagkulong lang agad ako sa kwarto ko. Minsan tumatawag si Kuya Mak para mangamusta pero si yaya Jane lang ang kumakausap sa kanya. Siguro hindi pa ako handa na kausapin sya nung mga panahon na yon.

May mga oras na umiiyak pa rin ako dahil hindi ko maiwasan. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila ng maayos. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap ni Mr. Stealer at si Mr. Manhid naman hindi ko na sya nakita since nung araw na umiwas ako sa kanila. Nasan kaya sya?

“Oh sya sige. San mo balak pumunta nyan?”

“Hmm.. Gusto ko pong maglakad lakad yaya.”

“May alam akong malapit na park dito. Dun ka nalang maglibot. Ituturo ko sayo ang daan papunta dun.”

Tumango nalang ako kay yaya.

Pagkatapos niyang sabihin sakin ang daan papunta sa park na sinasabi niya ay umalis na ako.

Wala akong kasama na mga BGs. Hindi na ako pinalagyan ng ganun ni Kuya Mak.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating na ako sa park.

Malawak ang park na to kumpara sa mga park na napuntahan ko dati.

Marami ding mga family na nandito at mga teenager na kagaya ko.

Napagdesisyunan ko na umupo muna sa may bench.

Nakakita naman ako ng magkatabing bench. Halos lahat ganun ang style. Dalawang bench na magkatabi. Bakit kaya ganito ang ayos?

Naglakad ako papunta dun at may nakita akong isang lalaking nakahiga at may takip na libro ang mukha.

“Uhh. Excuse me? May nakaupo ba dito sa isang bench?” tanong ko.

Pero hindi sya sumagot. Tulog yata. 

“Pwede bang umupo?” ako

-___- wala pa rin akong nakuha na sagot.

Umupo nalang ako sa isang bench. Tutal naman mukhang walang kasama ang lalaking to at free ang bench na to.

Nilibot ko nalang ang tingin ko sa buong park.

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon