*Chapter 30* ( What a great surprise. )

3K 39 10
                                    

*CHAPTER  30* ( What a great surprise. )

 

~CLENERY’s POV~

Mabilis lumipas ang mga araw at naayos naman namin ni Mr. Manhid ang mga dapat ayusin para sa Basketball Tournament. Pinuntahan namin ang magiging guest para manood ng tournament. Halos wala naman akong nagawa kasi siya naman ang nag-ayos. Ewan ko ba. Kasama niya nga ako pero siya naman ang kumakausap sa mga taong dapat kausapin pati sa kung anong dapat gawin. -__-

Pero ok na rin yon. Hindi ako masyadong stress. Hehe.

Eto na nga. Araw na ng basketball tournament. As expected madaming umattend. Mga estudyante ng W.U para suportahan ang team nila Steve at syempre hindi pwedeng mawala ang supporters ng C.U basketball team.

Kumpleto nga ang mga fangirls nila eh. Lalo na yung kila Mr. Manhid at Mr. Stealer. May sarili talaga silang upuan at may mga hawak hawak na banner. ~__~ ang supportive lang.

Kanina pa nagsimula ang event. Sila kuya ko ang nag-opening speech. Kasama lang nila ako dun at nagsalita ng konti. Wala naman akong sasabihin eh. >_>

Ngayon nandito na kami nila Kat, Kitzie at Cyclone sa may bleachers. Malapit na kasi magsimula ang game kaya umupo na kami dito.

Sila kuya nandun sa baba. Sa may parang upuan ng judges? Pero hindi naman sila judge. Ewan ko ba. Panapapunta nga nila ako dun kaya lang ayoko. Siyempre agaw atensyon na naman. May mga fangirls din kasi sila kuya dito.

“As always. Hindi pa din mapigil ang hiyawan ng mga yan.” Sabi ni Kat habang tinitingnan yung mga babaeng kanina pa hiyaw ng hiyaw.

“Ofcourse! Ano pang bago dyan? Hating hati ang mga tao dito oh! Paramihan ng fans ang drama.” Kitzie.

“Wag niyo na nga lang pansinin. Tumahimik nalang kayo.” Cyclone.

“Yeah right.” Sabi ni Kat at Kitzie.

Ilang minuto pa ay nagsimula na din ang game.

Unang lumabas syempre ang mga players ng W.U na sinabayan ng ingay ng mga fans at supporters nila.

Sumunod na lumabas ang players ng C.U. At syempre ganun din. Hiyaw dyan hiyaw dito.

Sobrang ingay ngayon dito. -___-++ Feeling ko anytime sasabog ang eardrums ko eh. Dito pa kasi kami napatabi sa mga fangirls.. Tss.

Nagsimula na ang game. Maganda naman ang naging simula ng 1st half kasi nangunguna ang C.U yun nga lang naabutan sila sa 2nd half ng W.U. Ang galing pala maglaro ni Steve. Siya ang nagdadala sa team nila. Pero malabong manalo sila kung siya lang ang magdadala kasi sa team ng C.U halos lahat sila kayang dalhin ang team. Nile-lead lang ni Mr. Manhid.

Natapos ang game na expected kung sino ang nanalo. C.U syempre. 150-100 ang score. Laki ng lamang. Hehe.

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon