*CHAPTER 63* ( I Finally Made My Decision. )
~CLENERY's POV~
December 24, ****
Nakabalik na ako ng Pilipinas. 2 days before mag-start ang enrollment for the second sem ay bumalik ako.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang tatlo. Si Marc, Gab at Keiffer.
Hindi ko alam kung bakit pero mabuti na din ito dahil sa tingin ko ay tama lang ang naging desisyon ko.
Pinag-isipan kong mabuti ang desisyon ko. Sinunod ko ang payo ni Elycar. Pinakinggan ko ang puso ko at hindi ang isip ko.
"Ok Clens. Anong balak mong gawin natin dito? Tumambay? Tumunganga? Mag-muni muni? C'mon. Christmas na bukas! I need to take some rest! You know, beauty rest."
Kasama ko nga pala ngayon si Kat. Nung time na nakabalik ako dito ay kinwento ko agad sa kanya ang lahat. As in lahat.
Tumingin ako sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa isang bench. Nasa park kami na malapit lang sa subdivision namin. Tinawagan ko sya na samahan ako dito, "Kat. Nakapag-decide na ako."
"What?"
"Remember yung about kina Marc and Keiffer? Alam ko na kung sino ang pipiliin ko.."
Nagulat sya sa sinabi ko, "Really?! Then, who?"
Huminga ako ng malalim at ngumiti ako sa kanya.
Sana lang... Sana lang sumang-ayon si Kat sa naging desisyon ko.
At sana, suportahan nya ako..
***
"Kat. Nakapag-decide na ako."
Nakatayo ngayon ang isang lalaki sa likod ng puno na malapit sa pwesto nila Kat at Clenery. Nakasandal ito sa puno. Hindi nya sinasadya na mapakinggan ang usapan ng magkaibigan. Kanina pa sya nandito sa park bago pa man dumating ang dalawa. Paalis na sana sya ng mapahinto sya sa sinabi ni Clens.
"What?"
"Remember yung about kina Marc and Keiffer? Alam ko na kung sino ang pipiliin ko.."
Agad na kinabahan ang lalaki sa narinig. Gusto nyang malaman kung sino ang pinili ni Clens pero kinakabahan sya sa naging desisyon nito.
"Really?! Then, who?"
Naramdaman nya na huminga muna ng malalim si Clens bago nagsalita, "Kat. Alam mo na mas espesyal sakin si Keiffer diba? Halos lahat ng taon na inilagi ko sa New Jersey ay sa kanya umikot ang mundo ko. Kahit na sinaktan nya ako hindi ko pa rin magawa na kamuhian sya, na kalimutan sya. Sya pa rin ang laman ng isip ko. Kahit anong gawin kong move-on ay naaalala ko pa rin sya." Napatayo ng maayos ang lalaki at yumuko. Kasabay noon ang pagkuyom ng mga kamao nya.
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...