“A difference in your life starts tonight, when you make a choice to move on from what happened yesterday. Don’t waste a time in other people who did not appreciate you.”
-- Anonymous
*CHAPTER 18* ( The RETURN of the CHUA BROTHERS. )
~CLENERY’s POV~
Bakit ganito?
Pakiramdam ko nanghihina ako.
Bumalik na sila.
Ang mga kuya ko,
Patuloy lang ako sa pag-iyak,
Gusto ko silang yakapin pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Alam ko na nakikita ako ng lahat.
Pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko.
Namiss ko sila.
Sobra.
Biglang nagbukas ang lahat ng ilaw sa gym.
At nakita ko ang apat na lalaking naka-casual shirt & pants na nakapalibot sakin.
Ang dalawa ay nasa gilid ko at ang dalawa ay nasa harap ko.
Lahat sila nakatingin sakin at nakangiti.
Tahimik pa rin ang mga tao. Ramdam ko na pinapanood nila kame.
“Wag ka ng umiyak. Papangit ka niyan.”
“Oo nga naman. Kakapuri lang namin sayo eh.”
“Tahan na my lady.”
“Nandito na nga kami umiiyak ka pa rin.”
Dahil sa sinabi nila naitakip ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko at lalo pang umiyak.
Naramdaman ko na naglakad na sila papunta sakin.
“Ang tigas pa rin ng ulo mo. Tsk! Sabi ng wag ng umiyak eh.”
Pagkatapos niyang sabihin yun, nakaramdam ako ng isang yakap at alam ko na sa kaniya yun galing.
“Ku---kuyaaa.” Pinilit kong magsalita kahit sobra na ang pag-iyak ko.
“Ssshh. Tama na yan. Tumahan ka na.”
“Oh Kuya Melvin masyado mo namang sinosolo ang kapatid natin! Alis na dyan! Payakap kame!”
“Tss. ‘to namang si Shin oh! Istorbo ka talaga!” naramdaman ko na umalis na sa pagkakayakap sakin si Kuya Melvin.
Naiwan na naman akong nakatayo dito.
Tinanggal ko na ang mga kamay ko sa mukha ko at tiningnan ko sila.
“Ano? Di mo man lang ba kami yayakapin?” sabi ni Kuya Shin habang naka-form ang mga braso na nagsasabi na yakapin ko siya.
Ngumiti ako saka ko siya niyakap,
“*sob* Kuya. *sob*”
“Kanina ka pa umiiyak. Tahan na.”
Hinigpitan ko lang ang yakap ko kay Kuya Shin.
T_____T namiss ko talaga sila..
“Shin ok na yan. Ako naman.”
Naramdaman ko na may humila sakin paalis kay Kuya Shin at siya naman ang yumakap sakin.
“Kuya Michael.. *sob*”
“Ako nga. Wag ka ng umiyak My lady. Tumahan ka na.”
Kanina pa nila yan sinasabi pero ayaw pa rin maubos ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...