*CHAPTER 52* ( From now on, I'm your..... )
Nasa tapat na ng unit ni Gab si Clens. Nakatayo lang sya dun. Naguguluhan kung pipindutin na nya ang doorbell o hindi. Kinakabahan sya at hindi nya alam kung bakit.
Napabuntong hininga sya at lumapit sa pintuan, “Bahala na.”
Saktong itataas na nya sana ang kamay nya para pindutin ang doorbell ng may magsalita.
“Ms. Stealer?” nakatayo si Gab sa gilid ni Clens at may dalang plastic bag. Pagkain ang laman.
Nagulat si Clens kaya naibaba nya ang kamay nya at tumingin kay Gab, “M-mr. Stealer.”
Napakunot ng noo si Gab. Nagtataka sya kung bakit nasa harapan nya ngayon si Clens, “Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalam---“ napatigil sya ng maisip ang sagot sa tanong nya, “Tss. Si Patrick.”
“Uhh. Ano, wag kang magalit kay Patrick. Kasi, pinilit ko lang sya na sabihin kung ano ang address ng unit mo. Nadulas kasi si Dennis at nasabi nya na may sakit ka nung tinanong ko kay Patrick kung nasaan ka.”
“Kaya ka ba nandito dahil nalaman mo na may sakit ako?”
Tumango si Clens at ngumiti, “Kumusta ka na?” lumapit sya kay Gab at akmang hahawakan ang leeg nito para malaman kung mataas ang lagnat nya, “May lagnat ka pa ba---“
Napahinto si Clens sa sinasabi nya ng iwasan ni Gab ang kamay nya, “Ok lang ako.”
Nabigla si Clens sa ginawa ni Gab. Hindi nya alam pero iba ang tono ng boses ni Gab. Malamig.
Binaba nalang ni Clens ang kamay nya na dapat ay hahawak kay Gab at pinilit na ngumiti, “Ganun ba. Mabuti naman.”
Nakatingin lang sa kanya si Gab. Pakiramdam ni Clens ay ibang Gab ang nasa harap nya ngayon, “Sige na. Umuwi ka na. Balita ko dumating ang mga kapatid mo. Baka hinahanap ka na nila... At ni Marc.” Biglang humina ang boses ni Gab nang sabihin nya ang tatlong huling salita na yon.
Dahan dahang tumango si Clens. Pakiramdam nya maiiyak sya pero pinigilan nyang tumulo ang mga luha nya, “O-okay. Magpagaling ka.” Sabi ni Clens at nagsimula na syang maglakad,
Saktong dadaan sya sa tabi ni Gab nang bigla nalang hawakan ni Gab ang kamay nya at hinila sya para yakapin.
Doon palang tumulo ang luha na kanina pa pinipigilan ni Clens.
“Sorry. Wag ka ng umiyak. Sinubukan ko lang naman maging suplado sayo gaya ni Marc eh. Kaso hindi ko pala kaya. Hindi bagay sakin.”
Medyo natawa si Clens sa sinabi ni Gab, “Hindi talaga bagay sayo ang ganun. *sniff* Nakakatakot.”
Dahil sa sinabi ni Clens ay tumawa si Gab. Kumalas sya sa pagkakayakap at tiningnan si Clens, “Oo nga.” Pinunasan nya ang luha ni Clens, “Napaiyak nga kita eh.” Sabi nya habang nakangiti.
Hindi sumagot si Clens. Tinitigan lang sya nito. Magkatitigan lang sila hanggang sa nagsalita si Clens.
“Sorry.”
Tiningnan sya ng seryoso si Gab, “Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na wala kang kasalanan. Wag kang mag-sorry. Basta ipangako mo sakin na magiging masaya ka. Maliwanag?”
Ngumiti si Clens, “Promise.”
Nginitian na din sya ni Gab, “Ayos. Sige na. Alis na. Hindi ka nababagay dito. Baka mang-agaw ka na naman ng oishi. Madami pa naman akong stock.”
Nag-pout si Clens, “Hindi ako bagay dito dahil masyado akong maganda. Ganun ba yun? At hindi ko aagawin ang oishi mo. Mas marami akong stock kesa sayo.”
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...