REMINDER: READ BETWEEN THE LINES. ;)
ENJOY~
***
*CHAPTER 59* ( The Big Revelation. )
~GAB’s POV~
Katahimikan.. Isang nakakabinging katahimikan ang namamayani ngayon saming tatlo.
Kanina ng maabutan namin ang mga sarili namin sa harap ng Chua Mansion ay napagpasyahan namin na magpunta sa isang tahimik na lugar para mag-usap. At eto, nandito na kami ngayon. Sa C.U Gym.
Anong oras na ba? Napatingin ako sa relo ko.
8pm.
Ayos ah. Gabi na pala. Hindi ko namalayan.
Tiningnan ko ang dalawa.
Nagsusukatan sila ng tingin. Kung titingnan sila parang wala ako dito ah. -__- ka-OP.
Sinubukan kong sirain ang katahimikan, “Mga pare, anong balak nyo? Hanggang tinginan nalang ba?”
Parehas silang napatingin sa direksyon ko.
Ang pwesto kasi namin ay nasa gitna ako. Sa kanan ko ay si Marc at sa kaliwa ko ay si Keiffer.
“Ano bang gusto nyo? Bakit nyo ko inaya dito? Hindi naman kayo ang pakay ko.” Sabi ni Keiffer.
Tama naman sya. Ang totoo, ako talaga ang nag-aya sa kanilang dalawa na magpunta dito. Pumayag naman sila.
Gusto ko lang kasi makita kung paano magharap ang dalawang lalaking nagpatibok ng puso ng babaeng mahal ko.
Anak ng... Ang lalim nun Gab. ~__~
“Sino ba nagsabi na sumama ka?” Marc.
Pumagitna na ko sa kanilang dalawa, “Easy lang mga dude. Ang talim ng tingin nyo sa isa’t isa eh. Hahaha!”
Tumingin sila sakin ng masama.
-___- Pambihira. Sila na nga tong inaawat sila pa tong titingnan ako ng ganito.
Medyo lumayo ako sa kanila, “Ok. Sige. Ako na ang lalayo. Alam ko naman na may pag-uusapan kayo. Kaya sige na. Ayusin nyo na ang kung anong gusot ang meron sa inyo.” Tumalikod na ko sa kanila at umupo sa isa sa mga bleachers don.
Pinanood ko lang sila. Masaya to. Para akong nanonood ng action-intense movie ng libre. Hahaha!
Unang nagsalita si Keiffer, “Ikaw pala ang boyfriend ni Clenery ngayon? Tama ba?”
Maigi syang tiningnan ni Marc, “Oo. But she broke up with me because of you.”
Napatingin ako ng seryoso kay Marc. Wala na sila ni Clenery? At dahil yun kay Keiffer? Pero ang akala ko kakausapin sya ni Clenery dahil sa nakita nya na eksena nila Marc at Elycar.
Napatawa si Keiffer. Alam naming tatlo na nang-aasar sya sa tawa nya, “Oh. Expected ko na yan. Hindi pa rin sya nakakamove-on sakin. Ako pa rin ang mahal nya.”
Lalong tumalim ang tingin ni Marc kay Keiffer. Hindi maganda to.
“Tss. Sige lang. Magsaya ka ngayon. Tingnan natin kung hanggang kelan yan. Kung pagbibigyan ka nya sa gusto mong mangyari.” Marc.
Napatigil si Keiffer sa sinabi ni Marc pero ngumiti sya, “Base sa kilos mo mahal mo talaga sya. Pero pasensya nalang dahil ako pa rin ang mahal nya.”
Napakuyom ng kamao si Marc. Nagpipigil na to na suntukin si Keiffer. -__-
“So what? I just want her to be happy.”
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...