“Loving a person so much can make your life happy but at the same time can make your life worst. So be careful.”
-- Anonymous
*CHAPTER 8* ( Kung sino ka man, salamat sayo. )
~GAB’s POV~
HAHAHA!!! Sa wakas! Nakaganti na din ako sa babaeng yon! Natatawa talaga ako kapag iniimagine ko ang magiging reaction niya sa ginawa ko! Hahaha!!!
Hinintay ko syang makalabas ng supermarket at hindi nga ako nagkamali, ganung ganun ang reaction nya sa inimagine ko kanina. Haha! Laughtrip ako sa babaeng ‘to.
Ang totoo nung makita ko sya kanina nabadtrip talaga ako. Paano naman kasing hindi eh inagaw nya yung oishi ko date! Tapos sumakto pa sya na magpakita kung kailan badtrip na ko sa guard ng school! Tss! Pero nung narinig ko na na-late din sya, ayun nakaisip ako ng magandang idea at eto nga yon. Dinala ko sya sa supermarket at pinabili ng maraming oishi. Punishment nya ‘to sa pag-agaw ng oishi ko noon.
Pero kahit papaano mabait naman ako kaya syempre hindi totoo yung akala nya na iniwan ko sya. Nagtago lang ako sa gilid ng supermarket. Pero syempre tinago ko din yung kotse ko. Aasarin ko lang ‘tong Ms. Stealer na ‘to. Bored ako eh. :D
“HUMANDA KA TALAGA SAKIN MR. STEALER!!!!!! WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN!!!!!!” galit na galit na sigaw niya pagkalabas nya ng supermarket.
Hahaha! Ano ba ‘tong babaeng ‘to. Wala syang pakialam kahit pagtinginan sya ng mga tao. Tsk! Ibang klase.
Nakita kong naglalakad na sya kaya agad akong sumakay sa kotse at pinaandar ito. Dahan dahan kong pinatakbo ang kotse ko at sinusundan sya sa likod ng hindi nya mahahalata.
Mukhang maeenjoy ko ang pang-aasar kay Ms. Stealer ah. Ahahaha.
Nakita kong lumiko sya sa isang iskinita. Teka, pano ko sya masusundan don? One way yun eh! Tsk! Saka bakit sya lumiko don?! Ang alam ko wala ng daan don ah! Wag mong sabihing hindi niya alam ‘tong lugar na ‘to?!?
Nagtuluy-tuloy lang sya sa paglalakad dun habang ako naman ay nag-iisip kung paaano ko sya masusundan. Pero bakit ko pa nga pala sya susundan? May oishi na ko dito. Oo nga! Bahala na sya! Ikakain ko nalang ‘to! Nakakagutom din palang ma-badtrip!
***
~CLENERY’s POV~
(~~.) (.~~)?
(~~.) (.~~)?
Teka, nasaan na ba ako? Bakit wala na yatang daan dito?!?
*__* di kaya? Naliligaw na ako?! Hala!!! Hindi pwede!!! Kasi naman si Mr. Stealer eh! Kasalanan nya ‘tong lahat!
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...