*Chapter 34* ( The Promise.. )

3K 47 18
                                    

*CHAPTER 34* ( The Promise.. )

~CLENERY’s POV~

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng CBA para puntahan ang rooms ng mga Business Ad students.

Ang totoo, medyo inaantok pa ko. -___- kasi naman iniisip ko pa rin yung bracelet na suot ni Mr. Stealer.

Yun nga kaya ang nakita ko sa kaniya?

Kailangan kong makasigurado. Kailangan mapatunayan ko na yun nga ang bracelet na yun at kung kay Mr. Stealer nga ba yun.

“Ah!” ako

“Ooops! Sorry miss, Ok ka la---Miss Clenery?” sabi nung lalaking nakabunggo ko.

Tiningnan ko siya,

(,~~)?? Sino ba to? Bakit niya ko kilala?

“Uhh.. Excuse lang ah… Kasi ano.. Bakit mo ko kilala?” tanong ko

Ngumiti naman siya, “Pano ko naman hindi makikilala ang kapatid ng Chua Bros at ang nagiisang anak na babae ni Mr. Chua?” sabi niya

“Ahhh,, hehe.. Oo nga naman.”

“Sorry nga pala kanina. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.”

“Ayos lang yun.” Ako sabay smile.

Gwapo siya ah. Matangkad at mukhang nakita ko na siya dati? Di ko lang matandaan. Moreno pa siya.

“Nga pala,” nilahad niya ang kamay niya sakin, “Ako nga pala si Ken. Ken Al Marvherick Garcia.”

Inabot ko naman yun, “Nice meeting you Ken. So pano, mauna na ko ah? Kailangan ko pa kasi to ibigay kay Mr. Ma---I mean kay Marc. Sige.” Sabi ko sabay akmang lalakad na sana kaso pinigilan niya ko.

“Kay captain mo ibibigay yang envelope? Wala na sa room si captain. Kanina pa umuwi. Hindi nga tinapos ang klase.”

Bigla naman akong napatingin sa kaniya, “Ano? Hindi niya tinapos? Bakit daw?”

Umiling siya, “Hindi ko alam. Bukas mo nalang ibigay yan. Pero kung mahalaga, heto,” may binigay siya saking maliit na papel.

“Yan ang address ng unit niya. Puntahan mo nalang. Geh una na ko miss Clenery.” Sabi niya pagkatapos ay umalis na.

Tiningnan ko naman yung papel na binigay niya.

Pupuntahan ko ba?

‘My lady, wag mong kalimutan na ibigay kay Marc yan agad ah? Masyadong mahalaga yan. Baka mawala pa.’

Naalala ko naman bigla yung bilin ni kuya Michael sakin.

Tiningnan ko yung hawak kong envelope at yung binigay ni Ken.

Bahala na nga.

***

Nandito na ko ngayon sa tapat ng unit niya.

Pipindutin ko na sana yung doorbel nang may marinig akong tunog ng gitara.

Nanggagaling ito sa loob ng unit niya.

Hinawakan ko ang door knob at nagulat ako ng mabuksan ito.

Dahan dahan akong pumasok sa unit niya

At nakita ko si Mr. Manhid na may hawak na gitara at nakaupo sa may sofa.

(A/N: Play the song sa side. Para mas feel. Haha!)

Tumutugtog siya ng gitara,

‘Adik sa 'yo

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon