*Chapter 21* ( The Start. )

3.5K 47 10
                                    

*CHAPTER 21* ( The Start. )

~CLENERY’s POV~

“Uy Clens, kanina ka pa hindi mapakali dyan. Ano bang nangyayari sayo?” tanong sakin ni Kitzie.

Nasa classroom kami ngayon pero wala pa yung next prof namin.

Tiningnan ko lang silang tatlo at ngumiti, “Nangyayari sakin? Wala naman ah.”

“Anong wala?!? Eh since matapos yung araw ng debut mo ganyan ka na! Para bang ang lalim lagi ng iniisip. Ano ba nangyari kasi?” sabi ni Kitzie.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ang totoo iniisip ko pa rin yung nangyari nung debut ko.

Kung sino ang lalaking nakakita sa salamin na ginamit ko para itago ang totoong ako.

Hindi ko nalang muna pinansin sila Kitzie at tumingin nalang ako sa bintana.

Sino ka ba kasi?

Paano mo nalaman ang tungkol sa sikreto ko?

Sinubukan ko siyang sundan nung gabing yun kaso wala, wala na siya.

*Flashback*

‘Wag kang magtago sa isang salamin miss, dahil dadating ang panahon na mababasag yan ng isang taong hindi mo inaasahan.’

‘Wag kang magtago sa isang salamin miss, dahil dadating ang panahon na mababasag yan ng isang taong hindi mo inaasahan.’

‘Wag kang magtago sa isang salamin miss, dahil dadating ang panahon na mababasag yan ng isang taong hindi mo inaasahan.’

Paulit-ulit.

Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga salitang yan.

Nanatili pa rin akong nakatayo dito sa gitna habang patuloy na nagsasayaw ang iba.

Hindi ko na alam kung may mga lalaking nagaaya sakin.

Tanging naiisip ko nalang ay ang lalaking yon.

Ang nagsabi ng mga salitang yun sakin.

Kung tutuusin mga simpleng salita lang ang binitiwan niya,

Pero malaki ang impact nito sakin.

Ang tagal kong tinago ang sikretong yon.

Iningatan ko na hindi makita ng iba ang totoo kong pagkatao.

Ilang taon ako nagpanggap na masaya sa harap ng iba.

Na walang problemang dinadala.

Pero lahat ng yon nasira ng isang lalaki,

At ang masakit pa,

Hindi ko man lang siya kilala.

Ang mga tao sa paligid ko hindi nila nakita ang salamin na humaharang sa totoo kong nararamdaman.

Sa totoong ako.

Bakit iba pa ang nakakita?!?

Bigla akong natauhan,

Tumingin ako sa paligid.

Hindi pwede ‘to!

Kailangan ko siyang makita!

Kailangan ko siyang makilala!

Umalis ako sa stage at sinundan ang daan na tinungo ng lalaki kanina,

Nagmadali ako hanggang sa makalabas ako ng Hall.

Lumingon ako sa paligid ko,

Pinipilit ko na hanapin siya,

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon