*Chapter 42* ( I will make you MINE... AGAIN. ;) DenClone <3 )

2.9K 37 5
                                    

*CHAPTER 42* ( I will make you MINE… AGAIN. ;) DenClone <3 )

~DENNIS’ POV~

=____=

Ibang klase. Kahit kelan talaga napakadaya ng ungas na to!

“Oh ano na Dennis? Deal?” sabi ni Patrick habang nakangiti ng ngiting aso. -_-

“Anong deal?! Ang daya mo dre! Hindi ganyan ang usapan! Pano pag natalo ako?! Kahirap niyan!” pagrereklamo ko.

“Eh wala ka pala pre eh! Wala kang tiwala sa kupunan mo!” siya

“Malaki tiwala ko sa manok ko dre. Kaso malaki din ang mawawala sakin pag natalo ako sa pustahan na yan! Unfair masyado! Ibahin yan!”

“Unfair. Sabihen mo alam mo lang talaga na walang binatbat yang Miami sa OKC!”

 “Baliw. Anong walang binatbat? ILALAMPASO ni Lebron yang OKC mo dre!”

 “Eh yun naman pala eh! Eh di patunayan mo kung kaya nga ilampaso ni Lebron ang OKC ko! Deal na pre!”

“Tss. Nililito mo ko Patrick! Tigilan na nga to!”

“Ayon. Lumabas din ang katotohanan. TAKOT ka lang! Tsk! Tsk! Kakawalang gana naman to.” Sabi niya sabay tayo.

“Oh. San ka pupunta?”

“May hahanapin ako. Text mo nalang ako kung deal ka sa pustahan naten. Basta pag natalo ng OKC ko ang MIAMI mo sa game 1. Alam mo na pre.” Sabi niya sabay ngiti ulit ng nakakaloko. Tss.

Umalis na ang gag*. Kahit kelan talaga ang isang yon. Napakawalang kwenta kausap. Lahat dinadaan sa biro. Badtrip. -___-++

 Tumayo na din ako at pumunta na ng car park.

Makauwi na nga lang at makapagisip sa badtrip na deal ni Patrick.

Loko talaga yon. ~__~ lagi akong iniisahan. Pano pag natalo ang Miami ko? Eh di ako ang kawawa sa kapalit. Tsk!

Ano kaya kung i-tweet ko si Lebron? Sabihin ko na wag ipatalo ang game 1. Kahit game 1 lang. Tch. Para naman akong ewan dito.

Sa sobrang pagiisip ko ay may nakabunggo ako,

“Ay! Sorry miss---ah. Mister pala.”

Lintek na yan. Kung minamalas ka nga naman oh.

Nakatingin siya sakin ngayon ng masama.

Tss. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin matagal na kong wala sa mundong to.

“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Kakalat kalat sa daan eh.” Siya

“Sobra ka naman Cyclone. May iniisip lang yung tao pakalat kalat na agad? Agad aga---sabi ko nga.”

=___= langya. Bat ba ganito tumingin ang isang to? Nakakatakot. Kahit gangster ata titiklop pag tumingin to eh. Straight kasi sa mata. Balak ata manlusaw sa tingin eh.

“Tabi nga.” sabi niya sabay bunggo saken.

Siga talaga.

Lalakad na sana ako paalis kaso,

“Oy! Cyclone! Nandito ka pala.”

-____-++ Kamalasan nga naman. Pag dumapo tuluy tuloy na. Banas lang.

 “Tumabi ka nga dyan Patrick.” Rinig kong sabi ni Cyclone.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kilala tong si Cyclone no? Eh pano, magkababata kame nyan. Hindi naman ganyan yan dati eh. Yung boyish kumilos. Ewan ko ba kung bakit biglang naging ganyan na sya. Dati babaeng babae sya. Ang dami ngang nagkakagusto dyan. Maski si Patrick nagkagusto dyan. Kaso ano pa ngang aasahan nyo sa playboy na yon? Syempre mabilis magbago ng trip. Si Ivan lang ang hindi kilala ni Cyclone sa mga kaibigan ko. Hindi ko rin naman kilala ang mga kaibigan niya. Si Clenery lang ang kilala ko dahil kapatid ng Chua Bros at siya ang babaeng kinahuhumalingan ni Gab at ni Captain.

{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon