DEDICATED TO ALL GOGUMAS AND MARCLEN SHIPPERS. <3
ENJOY~
***
*CHAPTER 44* ( Under The Rain. )
~CLENERY’s POV~
“Mr. Manhid.”
Nakatitig lang kami ngayon sa mata ng bawat isa.
Ewan. Hindi ko alam pero may part sakin na masaya dahil nandito siya.
Na nakita ko siya ulit after a long time.
Pero may part din na natatakot.
Natatakot na baka pag nalaman ni Kuya Mak na nandito si Mr. Manhid baka tuluyan na akong lumayo.
At yun ang hindi ko na kayang gawin.
Iniwas niya ang tingin niya sakin at tiningnan si Storm na nakahawak sa kamay niya.
“Let’s go.”
Pagkasabi niya nun ay tumalikod na sila ni Storm at naglakad paalis.
Bakit ganun?
Bakit may sakit?
Pinanood ko lang silang maglakad paalis.
Pakiramdam ko si Mr. Manhid na ang umiiwas sakin ngayon.
Diba dapat matuwa ako dahil hindi ko na kailangan pang magtago sa kaniya?
Na hindi ko na kailangan pang gumawa ng paraan para lang maiwasan ko sya.
Kaya lang hindi ako masaya. Hindi ako natutuwa.
Nasasaktan ako..
Pakiramdam ko tinalikuran ako ng isang taong napaka-importante sakin.
Gusto kong umiyak..
Naiiyak ako..
Ayos lang naman siguro yun diba?
Dahil gabi naman na.
Paalis na ang mga tao dito sa park kaya wala ng makakakita sa pag-iyak ko.
Yumuko ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko naman masisisi si Mr. Manhid kung ipakita niya ulit sakin ang emotionless niyang mukha kahit na matagal kaming hindi nagkita.
Kung siya na mismo ang iiwas sakin,
Dahil kung tutuusin kasalanan ko naman to eh.
Iniwasan ko silang dalawa ng hindi sinasabi ang totoong dahilan ng pag-iwas ko sa kanila.
Pinunasan ko na ang mga luha ko at tumalikod.
Ayoko munang umalis sa park na to.
Dito muna ako..
Gusto kong mapag-isa..
Nagumpisa na akong lumakad para ikutin ang park.
Kaso may biglang humawak ng braso ko at napaharap ako sa kaniya,
"Where do you think you’re going?” seryoso niyang tanong.
Nakatingin lang ako sa kaniya ng may pagkagulat.
Umiiyak pa rin ako.
Bakit siya bumalik?
Hindi ko maintindihan.
“A-akala ko...”
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako, “Come on.”
“T-teka! San tayo pupunta?!”
BINABASA MO ANG
{Completed} Man in Front of the Mirror {MFM}
RomanceThis story is about a girl who had a very bad experience in her past. She decided to hide her feelings about what happened in her past relationship to all the people around her and even her family, friends, relatives don't know about it. She lived w...