Sumali kami sa halos lahat ng laro na nadaanan namin at masasabi ko ring marami na rin akong nainum na beer ngayong gabi. Naglaro kami nang suck n blow, card games, beer keg challenge at iba pa, at lahat ng 'yon ay ipinalo naming dalawa.
He's a lot of fun. Game siya sa lahat ng laro, he take all the consequences and dare while we're playing and I found it really sweet and gentleman. Sa halos apat na oras na oras na kasa-kasama ko siya, marami na rin akong nalaman sa kanya. Two years na pala siya sa first year ng culinary at hindi siya makapasa dahil mas madalas siyang umabsent at pumunta sa mga party na kagaya nito.Hindi ko na nakita ang iba kong mga kasama at sa tingin ko ay mga lasing na rin sila. Nangako pa sa akin si Jimin na hindi niya ako iiwanan ngayong gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nabalik sa akin ngayon.
"I'll go upstairs, I'll go check on Jimin.." Sabi ko kay Johnny na mukhang lasing na lasing na rin.
"Sure, I'll just take a nap here.." Sagot nito at yumakap na siya sa trow pillow na hawak-hawak niya.
Lumapit ako sa kanya na tumatawa, "You okay John?"
"Yeah, I'll just take a nap! Geerrnight!" Sagot niya at hinayaan ko na siyang matulog.
Medyo nakakaramdam na rin ako nang pagka-antok pero kaya ko pa namang maglakad. Lumakad na ako papunta sa itaas ng bahay para balikan silang lahat. Halos lahat ng mga bisita ay mga lasing na at iba pa nga ay nakahiga na sa sahig.
Nang buksan ko ang pinto para pumasok ay wala akong nakitang tao sa paligid. Tahimik ang paligid hanggang sa mapansin ko ang isang lalaki na naka-upo sa sofa. Nang silipin ko ang mukha nito ay laking gulat ko nang makita ko si V na natutulog.
Lumapit ako sa kanya at tinitigan ko ang kanyang magandang mukha. Pangalawang beses ko na siyang makita na natutulog. Napaka-gwapo pa rin at napaka-bango pa. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Mukha talaga siyang mabait kapag natutulog. Hinahawak-hawakan ko ang kanyang ilong at napaka-cute pisilin ito.
Biglang namulat ang mga mata niya at sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Natigilan ako at naka-tingin siya sa mga mata ko.
"Ehhh!" Napa-atras ako ngunit bigla niya akong hinatak payakap sa kanya.
"Irene!" Sambit nito at nanlalaki ang mga mata ko. Niyayakap niya ako nang pagka-higpit higpit na halos hindi ako makagalaw.
Ano itong nararamdaman ko, parang nangyari na ito sa akin dati na yakap-yakap ng isang lalaki. Ganito ang pakiramdam sa mga panaginip ko na may kayakap na isang lalaki. Hindi kaya si V ang lalaking iyon? Naririnig ko ang pag hinga niya mula sa kaliwang tenga ko.
"I miss you," sambit niya at mas lalo akong nanginig na halos hindi na ako makagalaw.
Bakit siya nagsalita nang ganuon? Miss na niya ako? Teka lang, hindi kami tunay na magka-kilala kaya paano niya ako mamimiss? Nangangatal na naman ako at nakakaramdam na naman nang pagka-tense. Kailangan kong uminom ng soda ngayon.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...