Nagising ako mula sa pagkakatulog at napansin kong wala ako sa aking kwarto.
"Teka.." tumayo ako mula sa higaan, dahil pamilyar sa akin itong kwarto.
"Miss Irene, gising ka na pala.." sambit ni Titan na nakasuot lang ng pantalon at wala itong damit sa pang-itaas.
"Ahm, ah.. Bakit ako andito sa kwarto mo?" tanong ko sa kanya at kinakabahan ako sa sagot nya.
"Heh, nakatulog ka sa taxi Miss Irene, hindi na kita ginising dahil mukhang pagod na pagod ka kaya dinala nalang kita dito," sagot nya at nagsuot na sya ng damit.
"Ahhh, ibig sabihin binuhat mo ako papunta dito?" Tanong ko naman at tumango sya.
Kakatapos nya lang maligo at ang presko nyang tingnan ngayon hindi ko akalain na sobrang manly nyang tingnan kapag topless at wet look.
Tumitingin na naman sya gamit ang killer eyes at smile nya, ano ba ito.. nahuhulog na yata ako sa mga titig nya.
"Ahhh, pupunta na ako sa kwarto ko.. salamat!" tugon ko at nagmadali akong tumakbo palabas ng kwarto.
Nang makalabas ako ay napa-buntong hininga ako at naglakad papunta sa aking kwarto. Sobrang haba na pala ng naitulog ko at gabi na pala ulit ngayon.
Pagkatapos ko maligo ay bigla naman may nag doorbell sa kwarto ko. Kaagad akong pumunta sa pinto para buksan ito.
"Irene!" sambit ni Johnny at nagulat naman ako.
"Johnny, what's up?" tanong ko naman.
"Kumain ka na ba?" Tanong naman nya.
"Ahh, hindi pa, kakatapos ko lang maligo, pupunta na rin ako ng ospital.." tugon ko naman.
"Ah, kumain muna tayo bago ka pumunta sa ospital, okay lang ba?" tanong naman nya at tumango naman ako.
"Oo naman, kukunin ko lang 'yon bag ko.." sambit ko at bumalik ako sa loob para kunin ang aking bag.
Pagkalabas ko sa aking kwarto ay dumating naman si Titan kaya napatigil kami sa pagkilos.
"Miss Irene, handa na po ang hapunan, kumain ka muna bago ka bumalik ng ospital, saka pinaghanda ko na rin si Sir Vino ng pagkain para may madadala kang pagkain sa kanya.." sambit nito at nagkatinginan kami ni Johnny.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...