Nang buksan ko ang pinto ay sumambulat sa akin ang mga dilaw na ilaw sa paligid.
"Kwarto ba ito?" tanong ko sa aking sarili habang naglalakad ako sa isang tila comfy cave na may mga ilaw sa paligid.
Naupo ako sa sahig dahil sa tingin ko ay kwarto nga ito na parang super comfy theater.
Nakarinig ako ng mga kalampag at napatayo naman ako, naglakad muli ako pasulong hanggang sa makalas ako sa parang comfy tunnel cave. Sumambulat naman sa akin ang isa pang very cozy na bed couch na may mga ilaw din sa paligid.
Nang mapansin ko ang paligid ay nasa rooftop na pala ako. Lumapit ako sa bed couch at napansin ko na may nakapatong na tray sa ibabaw nito. May dalawang rose wine na nakalagay sa wine glass at dalawang kandila.
Maya-maya lamang ay bumaba na si V mula sa elevated na hagdaan sa likodang bahagi ng couch.
"Bakit ba ang tagal mo?" Tanong kaagad nya sa akin at naka tayo pa rin ako at hindi makagalaw.
"Ah.. Ano tong lugar na ito? Noong pumunta kami dito nila Gigi, hindi ko nakita ang lugar na ito?" kaagad kong itinanong dahil na aamaze ako sa mga nakikita ko.
"Ako ang nag design ng bahay na ito, kaya naman ako lang ang nakakaalam nito," tugon nito at sinesenyasan nya akong umupo at tumabi sa kanya sa bed couch.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko naman at pilit kong ia-avoid lahat ng nga plano nya dahil heto na naman sya nagbibigay na naman ng ganitong klaseng motibo para mahulog ako sa kanya.
"Isinama ko ito parte ng bahay na ito sa plano ng bahay dahil naisip ko na ito ang magiging best hide out natin gabi-gabi.." tugon nito at kinuha nya ang isang wine glass, "Rose?" alok nya sa akin at uminom na ito.
"Ano na naman ba ito V?" Tanong ko muli dahil gusto ko ng tapusin ang lahat sa amin ni V, pero kong lagi syang gagawa ng mga eksena na kagaya nito, siguradong hindi ako makaka-move on sa kanya. "Hindi na tayo pwedeng bumalik sa nakaraan, yaan ang sinasabi mo sa akin at ngayon ay inuulit kong muli.. tigilan na natin 'to!"
"Hindi naman tayo babalik sa nakaraan Irene," tugon nito at ibinaba nya ang wine glass sa tray. Nagsimula itong lumapit papalit sa akin at tumayo ito sa harapan ko. "Hindi ko pa nagagawa sayo ito Irene, kaya ang nangyayari ngayon ay hindi galing sa nakaraan, ito ay kasalukuyan.."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...