Chapter 45

222 36 4
                                    

Nang makabalik ako sa ospital ay tulog pa rin si V at hindi pa rin ito nagigising. Andito rin ang lahat at nag-iintay rin sila sa pag gising ni V. Kahit tapos na ang visiting hours ay pinayagan kami na mag stay sa ospital since naka-confine si V sa pinaka-malaking kwarto dito sa ospital.

Binabasa ni Titan ang lab results at records ni V sa isang tabi at mukhang seryoso ito. Nilapitan ko sya at tumingin naman kaagad sya sa akin.

"Alam ko na nangyari kay Sir Vino, after nya mag donate ng dugo, ay pinagod nya pa ang kanyang sarili, sobrang.

Ang baba ng dugo nya ayon sa records, kapag bumaba ang dugo natin dahil sa pagod at pagpupuyat, madali tayong dadapuan ng sakit.." paliwanag nito at naalala ko na sa gabing iyon ay parehas kaming puyat ni V dahil nanuod kami ng meteor shower, kinabuksan naman ay nag basketball pa sya at mas lalo nya pinagod ang sarili nya, talagang magkakasakit talaga siya." Heto pa, diba sabi ko sayo toxic nuong araw ng blood let, there is a huge chances na duon nya nakuha ang mga bacteria sa sobrang daming tao doon, hindi ko maalala kung sino ang kumuha ng dugo ni sir Vino, malamang hindi sya sumunod sa SOP na ginawa namin para sa blood let.." dagdag pa nya at medyo naguluhan ako.

"Anong ibig mong sabihin Titan?" tanong ko at mukhang nag iba ang kanyang ekspresyon.

"I'm sorry Miss Irene, lumalabas na kasalanan namin ito.. hindi namin naalagaan ang mga volunteer nuong kinuhaan sila ng dugo," tugon nito at bigla namang lumapit si Jimin at kuya sa aming dalawa.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni kuya na naka-mungot.

"Pinag-aralan ko sir ang mga records at laboratory tests ni sir Vino, at base sa analysis ko posible na nakuha nya ang mga bacteria sa araw ng blood let.. too much ang tao sa gymnasium kaya naging toxic ang area, posible na hindi nalinis ng maayos ang open skin tissue ni sir Vino kaya madaling nakapasok ang mga bacteria, plus napagod pa ang kanyang katawan kaya it will drive to meningitis.. " paliwanag muli nito at saka lang luminaw sa akin ang lahat.

"Ha? Possible ba yun? Hmm..." nagiisip si Jimin at tinapik naman ito ni kuya.

"Anong iniisip mo?"

"Sabay kami ni V na nag donate ng dugo, at babae ang kumuha ng dugo sa kanya, teka.. ano nga ang pangalan non?" tumungo ito at nag-iisip.

"Babae sir Jimin? Hmm, teka, si Mariz ba ang tinutukoy mo?" Tanong naman ni Titan at tumango naman si Jimin.

"Tama, Mariz nga ang pangalan nun, saka wala syang gloves na suot nuong kinukuhaan nya ng dugo si V.." sambit ni Jimin.

"Damn it!" bulong ni Titan at nag-iba na ang kanyang reaksyon, "Patawarin nyo ako seniors!" sabay tungo nito sa amin at lahat kami ay nagulat sa ginawa nya.

"Ehhh? Bakit ka nahingi ng kapatawaran?" tanong ni Jimin.

"Nasa unit ko po si Mariz, dahil sa kapabayaan nya nahawahan ng bacteria si sir Vino, kaya po humihingi po ako sa inyong lahat ng kapatawaran lalong lalo na po kay sir Vino!" diin nito at parang naiiyak sya sa kanyang sinabi.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang umayos ng tayo mula sa pagkakayuko nya," Titan, hindi mo kailangan humingi ng tawad.. una, hindi ikaw ang may kasalanan, pangalawa alam naman naming hindi sinasadya ang nangyari ngayon kay V.. ang mahalaga ay naagapan ang sakit nito bago pa lumala.."

"Tama," tugon naman ni Wendy at lumapit rin ito kay Titan para i-cheer up. "Wala sino man ang dapat sisihin sa nangyari, kaya wag mo sisihin ang sarili mo!"

"Tama na yan.." sambit ni kuya sa lahat at ngumiti ito, "Lahat tayo dito ay magkakapamilya, kaya wag mong iisipin Titan na sisisihin ka namin sa nangyari kay V.."

The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon