Chapter 50

286 34 4
                                    

Lumipas ang halos dalawang linggo at hindi ko na naka-usap pa si papa. Hindi ko sya maabutan lagi sa bahay dahil lagi raw itong naalis, kapag naman umuuwi sya ay nasa eskwelahan naman kami. Hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si V, dahil hindi pa humihilom ang mga natamo nyang sugat mula sa aksidente.

Araw-araw akong nabisita sa kanya pero may curfew time ako dahil nga sa higpit ni papa na baka mapahamak ako kung sakaling gumawa na naman ng krimen ang ATO.

"Irene, maya-maya ay uuwi na rin tayo.. Tumawag sa akin si tito na nasa bahay na sila ngayon, sabay-sabay daw tayong kakain ng hapunan." Sambit ni kuya at nagkatinginan kaming dalawa ni V.

"Ayos lang Irene," sambit ni V na naka-tawa, "Halos araw-araw ka naman nabisita dito, okay lang ako.."

"Hmm," tumango naman ako at kinuha ko na ang gamot na kailangan nyang inumin, "Bukas pupunta ulit ako dito, bukas din ang unang araw ng theraphy mo sa physical therapist para sa binti mo."

Kinuha nya naman ang gamot na binigay ko at ininom kaagad nya ito, "Maraming salamat Irene, ah," at umubo pa sya, "Nahihiya na ako sayo dahil lagi mo nalang ako inaalagaan.. hehe,"

"Okay lang, kasalanan naman ito ng papa ko kung bakit ka naaksidente, nagdulot pa sayo ng sobrang pag-iisip.." tugon ko naman.

"Paano Irene kung ako nga tunay na anak ng papa mo?" Tanong nya at hindi ako makapag-salita dahil hindi ko ito tanggap. "Maraming mga bagay ang nilihim sa akin ni mama nuong nabubuhay pa sya, pero naniniwala ako na hindi siya ang tatay ko at hindi tayo magkapatid."

"Sana nga, mamaya tatanungin ko kay papa kung lumabas na ang resulta ng DNA testing ng sa ganun ay parehas mabigyan ng linaw sa ating lahat.." tugon ko naman.

"Irene, it's time.." sambit ni kuya at tumango ako sa kanya. "Babalik kami dito bukas V, maya-maya lang ay dadating na din sila Jimin at Jin dito para samahan ka dito."

"Salamat Jk," tugon ni V at tumingin muli sya sa akin, "Sige na, I'll see you tomorrow."

Ngumiti ako at humalik sa kanyang noo para magpaalam. Sa sobrang dami na nangyari, hindi ko na namalayan na mas lalo kami naging close ni V ngayon parang kagaya ng dati. Hindi ko rin maitanggi na mas lalong naging halata ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.

Nang makabalik kami sa bahay ay agad kaming dumaretcho sa dining area at naroon na si papa at si tita.

"Maupo na kayong dalawa para makakain na tayo ng hapunan." Sambit ni Tita at naupo naman kami kaagad ni kuya.

"Lumabas na ba ang DNA results ni V?" Tanong ko kaagad dahil hindi na ako makapag-intay sa katotohanan.

"Tama ka Irene, ang nakakatanda nyang kapatid ang tunay kong anak at hindi si Vino.." tugon ni papa at parang nabunutan ako ng kutsilyo sa aking puso at nakahinga ng maluwag.

"Buti naman," sambit ko at napainom ako ng tubig.

"Pero may mas nalaman pa akong ikakagulat nyo," sambit ni papa at nagkatinginan naman kami ni kuya, "Hindi ko nga anak si Vino, pero ang tunay na tatay niya ay ang kaaway ko sa business na si Ricardo Dignosanto na dating member ng ATO."

"Huh!!!!" parehas kaming nagulat ni kuya.

"Paano.. pero si V ang unang naging target ng ATO na patayin. Bakit nya papatayin ang sarili nyang anak?" Tanong ni kuya.

"Isang kahihiyan ang ginawa ni Vino sa pagsali nya sa kaaway na fraternity ng ama nya, kaya naman mas gugustuhin nyang mamatay ang sarili nyang anak kesa mag dulot pa ito ng kahihiyan sa buong samahan." Paliwanag ni papa at hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.

The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon