Pagkatapos ng halos dalawang oras namin na paghahanap ng gowns ay naisukat na namin ito at lahat kami ay nag tipon-tipon sa lobby area.
Everyone is looking at us dahil parehas kami ng choice ni Sana about gowns. Technically, I have to copy her dress for our plan about V. I think this is so wrong, parang ang unfair ko naman kay V para makipag-sabwatan kay Sana pero I don't have any choice but to do it. I have also intention for doing this.
"So, kelan pa kayo naging best friends?" Tanong ni Gigi nang pairap.
"Yah, you guys are weird!" Patawang sabi ni Wendy habang tinitingnan nya kaming dalawa. "But I like the dress you chose!"
"Ugh, I think we have the same taste." Sagot ko naman na may kasamang kaunting ngiti.
"Ha!" Buntong hininga ni Gigi at naupo ito sa couch para uminom ng tea. "Don't tell me pupunta kayo sa party na parehas ang suot?"
Nagkatinginan kami ni Sana at ngumiti ako, "Ugh, ipapabago ko lang ng kaunti tong sa may shoulders ko, para hindi kami masyadong magka-parehas ni Sana."
"Hmm," hinawakan ako ni Sana sa balikat ko sabay ngiti. "Parehas pala tayo ng taste, pero kung gusto mo gawan ng revision sa parteng shoulders ako nalang ang gagawa para sayo."
"Heh, how sweet!" Mabilis na entrada ni Gigi habang nainom sya ng tea.
"So, Gigi are you okay with our gowns?" Tanong ni Yeri.
"Heh," sabay irap ni Gigi. "That's your choice, I don't want to interfere."
"Okay, so ito na ang mga gowns na susuotin natin sa party?!" Tanong ni Wendy sa lahat.
Pagkatapos namin magpalit ng damit ay nauna kaming umalis ni Sana sa boutique. Inihatid ako ni Sana sa frat house at bago ako bumaba ay niyakap pa ulit ako nito.
"Remember our plans okay?" Bulong nito.
"Hmm, okay, thank you for driving me home." Tugon ko naman.
"Okay! See you tomorrow!" Sagot nito at naman at lumabas na ako sa kotse nya.
Hinintay kong umalis ang kotse ni Sana at bigla akong napa-isip. Ano naman kaya ang gagawin kong paraan para mapapayag ko si V na maging escort ko sa party? For sure, hindi sya papayag dahil alam nyang si Jimin ang escort ko sa party.
"That's weird, magkaibigan talaga kayo ni Sana?!"
Napalingon ako bigla sa aking likuran at nakita ko si V na may akay-akay na bisekleta.
"Ughh.. Kanina ka pa ba dyan?"
"Parang gulat na gulat ka?" Tanong nito at itinigil na nya ang kanyang paninigarilyo.
Napatingin ako sa sigarilyo na tinapakan nya, "Naninigarilyo ka pala?"
"Heh, just today, I'm stressed!" Sagot nito at sumakay na sya sa kanyang bike.
"Uh, where are you going?" Tumigil ito sa pagbibisikleta nya.
"Pupunta ako sa 7/11, bakit ba? Nanay ba kita para mag paalam pa sayo?"
"AGH! Teka, sasama ako! May bibilhin din ako sa 7/11! Hintayin mo ako dito!"
Kumaripas ako ng takbo papasok ng frat house para maibaba ko ang mga gamit kong dala. Pagkakataon ko na para mapalapit pa ng husto kay V.
"Tara na!" Sigaw ko habang patakbo ako sa kanya. "AGHHHh!"
"Oh mag-ingat ka!" Sambit nito sabay salo nya sa akin. "Bakit ka ba nag mamadali?"
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...