Nasa yate na kaming lahat at papunta na sa kasunod na Island na pupuntahan namin. Sinabi ko sa kanila na wag sila masyadong mag alala sa napaka liit kong sugat sa binti na kasalukuyan na ginagamot ng aking kuya na si Jk.
"Buti nalang nakita ka kaagad ni V, at hindi grabe ang nangyari sa binti mo.." sambit ni Jk.
"Sorry Irene, hinayaan ka namin na masaktan, hindi naman namin alam na ganito pala mangyayari sayo.." sambit naman ni Jhope.
"Wag ka na mag alala Jhope, hindi nyo kasalanan.. Ako naman nakaisip sa plano 'yon, saka maliit na galos lang naman ito.." pa tawa tawa kong tugon. "Tsaka ako dapat humingi ng sorry dahil hindi pala nagtagumpay ang plano natin para matalo sila."
"Haha, mukhang seryoso ka na talunin sila kanina ah, Irene.." sambit ni Jimin.
"Sinabi kasi nila malupit gumawa ng parusa si V kaya naman ginawa namin lahat para matalo sila," sagot ko naman habang natawa.
Napasulyap ako ng tingin sa baba at nakita ko na nakahiga si V sa futon habang si Sana naman ay panay pa rin ang selfie sa kanyang phone. Naka tingin lamang sya sa akin at maya-maya lamang ay bigla lumapit Gigi at Wendy habang pinapaypayan nila si V at Sana.
"Talaga palang intense ang naging kapalit ng nilaro natin kanina," sambit ko at tumawa naman si kuya.
"Sigurado ako enjoy na enjoy si Johnny ngayon, sya ang namili ng kakampi nya at pinili nya talaga si V dahil alam nyang hindi pa natatalo kahit saan na laro si V." Sambit ni Suga.
"Aissh, not fair," tugon ko habang nakatingin sa kanila sa ibaba.
"Okay lang yan, isang buong araw lang naman natin sila susundin.." tugon naman ni Jk at hindi ko napansin na tapos na pala ang benda na inilagay sa akin ni kuya, "Okay, pwede ka na ulit tumakbo!" sabay tawa nito.
"Ginagawa mo nanaman akong parang bata kuya," tugon ko sa kanya pero napangiti ako. "Pero salamat," tumayo ako at bigla dumating si Yeri.
"Uh, Irene, okay ka na ba?" Agad na tanong ni Yeri.
"Oo naman," sabay tango ko na nakangiti.
"Ah, tawag ka kasi ni Johnny, sabi nya may iuutos daw sya sayo.." tugon ni Yeri.
"Hmm?" lumingon ako kay Johnny at naka-tingin na siya sa akin habang naka-ngiti.
Bumaba naman ako mula sa top deck at pumunta kay Johnny na naka-upo sa hanay kung nasaan si V at Sana.
"Uh, ano 'yon?" Tanong ko kaagad.
"Maupo ka dito sa tabi ko," sambit ni Johnny habang naka-ngiti.
"Ehh? Uh..." lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya, "Ano ba ang ipapagawa mo sa akin?"
"Wala, sasamahan mo lang ako dito at magkwekwentuhan tayong dalawa," sabay tawa nito.
"Heh," ngumiti na lamang ako at napansin kong nakatingin sa akin si V.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...