Nang makarating na kami nang Sta. Mesa ay hinawakan niya ulit ako para makababa ako mula sa pagkaka-upo ko sa bike. Hinubad ko na ang aking helmet at ganuon rin siya."Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko naman.
"Mula dito, maglalakad na tayo papasok ng market, hindi na tayo makakapasok na may dalang bike dahil bawal ang mga sasakyan sa loob." Sagot nito.
Napapansin ko pa sa kanya ay madalas itong hindi sumasagot sa unang tanong.
"Halika ka na," tugon niya at nagsimula na siyang maglakad.
Naglakad na rin ako at may pagitan sa aming dalawa. Nasa likuran niya ako habang siya naman ay naka-suksok ang mga kamay nito sa kanyang bulsa.
Tumigil ito at nilingon niya ako, "Bakit ang bagal mo maglakad?"
"Uh, ahh.."
Hinablot niya ang braso ko at hinila niya ako palakad, "Maraming loko dito kaya dapat dumikit ka lang sa akin."
"Loko na kagaya mo?" Tanong ko naman.
"Heh, oo!" Sagot niya na may kasamang ngiti.
Halos sampung minuto na kami na naglalakad hanggang sa dumami ang tao sa paligid. Hinila niya akong papalapit muli sa kanya, at halos magkadikit na ang aming mga katawan.
"Marami talagang tao dito kapag linggo," sambit ni V at hinawakan na niya ako sa kamay. Tumingin ito sa akin at naka-smirk ito. "Wag ka mag-isip ng masama, kailangan lang kitang hawakan para di ka mapahiwalay sa akin."
Hindi na ako naka-imik pa dahil nakipag-siksikan na kami sa sobrang daming tao ngayon dito. Sari-sari na ang nakakasalamuha kong amoy dito ngayon at parang wala lang kay V ang mga amoy sa paligid. Kung sabagay, nabanggit niya nung minsan na lumaki siya sa mahirap na pamilya. Mukhang sanay siyang makipag-siksikan sa mga matataong lugar kagaya nito.
Huminto kami sa isang tindahan ng mga hayop, napa-tingin ako sa pangalan na nakalagay sa itaas dahil may kakaiba itong pangalan, "Mga Hayop kayo!" ito ang mismo ang pangalan kaya napataas ang kilay ko.
"Andito na tayo, tara sa loob!" Sambit ni V at hinila niya akong papasok dito.
Binitawan na niya ang aking kamay at lumapit siya sa isang lalaki na mukhang matanda na. Kinakausap niya ito na parang malapit sila sa isa't-isa. Tumingin ako sa paligid at maraming klaseng hayop ang nasa paligid. Mayroong mga ibon, rabbit, hamsters, iba't-ibang klaseng aso at puso. Mayroon ding mga ahas, gagamba, at iba pang mga exotic animals.
"Irene, halika ka, tingnan mo ang aso na 'to." Sambit niya at lumapit naman ako.
"Hmm?" Tumingin ako sa isang cage tinuro niya at napa-ngiti kaagad ako nang makita ko ang isa maltese na aso na may pagka-chow chow, ang -ganda nang balahibo nito at kulay brown ito. "Ang cute naman niya!"
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...