Chapter 27

237 46 3
                                    


Lahat sila ay nakababa na mula sa yate at nagsisimula na sila mag swimming sa first island na pinuntahan namin. Ako ang pinaka-huling bababa mula sa yate dahil nag palit pa ako ng swim wear.

Nakasuot ako ng yellow bikini top at boyleg na bottom. Nag lagay na rin ako ng sunscreen dahil sobrang init ngayong araw.

Pagkababa ko pa lamang ay binigyan na kaagad ako ni Johnny ng water gun na kulay dilaw din at naka-ngisi na kaagad ito sa akin.

"Sakto pala, dilaw din anh suot mo! Hahahaha!" tawang tawa sabi nito.

"Uh, anong gagawin ko dito?" Tanong ko naman.

"Of course magkakaroon tayo ng game. Dahil dilaw ang water gun mo, kakampi mo si Jhope at Suga. Yellow team kayo, habang ang green team naman ay si V, Sana, at Mon, sa red team si Gigi, Jimin, at ako. Blue team naman si Wendy, Jin, Jk at Yeri."

"Ha? Sinong nag set ng team? Saka bakit apat ang tao sa blue team?" Tanong ko naman.

"Well, ako ang nag set ng teams, kaya apat sa blue team dahil couples naman sila.. kaya magsimula na tayo!" Sabay sigaw ni Johnny.

Lumapit sa akin si Jhope at Suga na may dala-dala ring water gun.

"Okay, handa ka na Irene?" Tanong ni Suga.

"Ha? Handa saan?" Tanong ko naman.

"Kung sino manalo sa laro ngayon, ay magiging master natin sa isang buong araw. Kaya galingan nating tatlo!" Sambit ni Jhope na tuwang tuwa.

"Okay.. sino naman ang nag sabi ng ganyang prize para sa mananalo?" Tanong ko ulit.

"Napagkasunduan ng lahat, hindi mo ba narinig ang pinaguusapan ng lahat?" Tanong naman ni Suga.

"Ah, late kasi akong bumaba mula sa yate dahil nag palit pa ako ng damit." Sagot ko naman.

"Okay, basta ganito ang gagawin natin.. 30minutes lang ang game," tumingin ito sa kanyang relo, "May limang minuto nalang para mag simula, ang una natin babasain ay ang blue team dahil 4 sila.. and I'm sure yun din ang iniisip ng green at red team." Sambit ni Suga.

"Basta ang magiging kalaban natin dito na matindi ay ang green team, masyadong mautak si V sa mga klaseng laro na kagaya nito.." sambit naman ni Jhope.

Nilingon ko ang green team at kasalukuyan na pinupunasan ni Sana si V ng kanyang pawis at si Johnny naman ay nakatawa sa akin habang nakaway.

"Wag ka tumingin sa kanila," saway ni Suga. "Sigurado akong pinagpaplanuhan na nila tayo, at nararamdaman kong alam nila na pinaguusapan natin sila."

"Wow, masyado naman yata kayong mga seryoso sa larong ito.. it's just a game right?" Tanong ko naman na pa tawa-tawa.

"No!" sabay na sagot ni Suga at Jhope.

"Wala Kappa Epsilonan ang madaling magpatalo kahit saan na laro, lalong lalo na kapag ang kalaban mo ay si V.. naaalala ko pa noong lahat kami ay tinalo ni V sa bunong braso.. lahat kami ay pinahirapan nya." Sambit ni Jhope na may pa-drama effect pang crying.

"Alright! I'll be serious with this.. anong klaseng laro ba ito? Paano natin sila matatalo ng water gun?" Tanong ko naman.

"Basta babarilin mo lang sila ng tubig hanggang sa mabasa sila ng sobra-sobra. Kailangan lahat sila ay mababasa, kaya dapat mabilis kang bumaril!"

"Paano? Ganito ba?" Tanong ko at biniril ko silang dalawa ng water gun.

"Paano? Ganito ba?" Tanong ko at biniril ko silang dalawa ng water gun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon