Chapter 35

254 41 4
                                    

Nakarating kami sa train station pasado alas-dyes na nang umaga at buti nalang at kakaunti ang mga tao ngayon sa estasyon.

Nakapila si V sa ticket booth para bumili ng ticket, saka ko lang napagtanto na lagi kaming sumasakay ng tren ni V noong high school pa lang kami.

Iniabot nya sa akin ang ticket card at pumasok na kami sa waiting area.

"Akala mo ba ayaw mo nang bumalik sa nakaraan?" tanong ko sa kanya at tumingin ito sa akin. "Pero heto tayo ngayon, binabalikan ang nakaraan.."

"Hindi porket sasakay tayo ng tren ay bibigyan mo ng kahulugan tungkol sa nakaraan," tugon naman nya.

Dumating na ang tren at ang ilan sa mga sakay nito ay bumaba habang kami naman ay pasakay pa lamang. Hindi rush hour ngayon pero wala akong makitang bakanteng upuan kaya nanatili nalang akong nakatayo.

Sumarado na ang pinto ng tren at napansin ko na medyo malayo ang agwat namin dalawa ni V. Nakasandal lang ito sa pole hanggang sa nagsimula nang umandar ang tren ay bigla naman akong nagulat at muntik na akong matumba, buti na lamang ay nahawakan kaagad ako ni sa aking kaliwang braso at hinatak nya ako palakad sa unahan.

Tumigil kami sa kabilang bahagi ng pinto ng tren at saka nya lang binitawan ang braso ko. Sa kinakatayuan namin ngayong ang isang parte sa loob ng tren na kung saan ligtas na manatiling nakatayo ang mga pasahero.

"Sumandal ka," sambi nito at umiwas na muli sya ng tingin sa akin. "Mukhang hindi ka na sanay na sumakay sa tren, matagal na rin.."

"Ah, salamat.." bulong ko at tumungo na lamang ako.

Ang totoo ay nahihiya ako sa kanya tumingin. Kahit ilang beses kong subukan na asarin sya ay nauuwi lang sa ako ang maaasar sa kanya.

Tumigil muli ang tren sa kasunod na estasyon at mula sa labas pa lamang ay kita ko na ang napaka-daming pasahero na sasakay ngayon.

Umalis si V sa kanyang kinakatayuan at lumapit sa akin. Dahil sa siksikan na sa loob ng tren ay humarang sya sa aking harapan nang sa ganun ay hindi ako magitgit ng iba pang pasahero sa loob.

Mula sa sitwasyon na ito, halos naririnig ko ang pag tibok ng puso nya sa sobrang lapit ng dibdib nya aking mukha, pati ang pag lunok nito ay naririnig ko rin.

Makalipas ang ilang minuto ay unti-unting lumuluwag sa loob ng tren at si V naman ay umisod na rin mula sa aking harapan. Ang totoo ay hindi ko alam kung saan balak mamili ni V ng groceries at supplies. Sumusunod lamang ako sa kanya dahil alam kong hindi nya ako papabayaan.

Tumigil na ulit ang tren at bigla namang hinablot ni V ang aking kamay.

"Dito na tayo bababa!" sambit nya at hinatak nya ako para lumakad. "Wag kang bibitaw sa akin baka kung mapano ka na naman."

Hanggang sa makalabas kami ng tren ay hawak-hawak pa rin nya ang aking kamay habanh kami ay naglalakad. Kailangan ko tigilan ang day dreaming ko ngayon, nakikita ko na naman ang dating kami.

Bumaba kami mula sa estasyon ng tren at saka nya lang binitawan ang kamay ko.

"Bilisan mo mag-lakad!"

Sumunod naman ako kaagad sa kanya hanggang sa nakarating kami sa hypermarket. Kumuha kaagad sya ng cart sa tabi at tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad. Good thing, air-conditioned dito I feel relief sa sobrang init sa labas.

"Ano-ano ba ang mga bibilhin natin?" Tanong ko sa kanya. Iniabot nya sa akin ang listahan ng mga bibilhin at napaka-dami nito.

"Good for one week na supplies sa kitchen, foods, toiletries anything para sa ating pito.." tugon nya habang nakuha ng isang case ng Heineken.

The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon