"Bag! Bag! Bag! "
Nagising ako mula sa lakas ng pagkakakatok mula sa pinto ng kwarto ko. Bumangon ako ng dahan-dahan at naglakad para buksan ang pinto.
"Irene!" bungad sa akin ni Jimin.
"Jim? Kakagising ko lang," tugon ko naman.
"Halata naman," sabay tawa nito. "Maligo ka na at mag impake, may pupuntahan tayo!"
"Ha? Pagod pa ako mula sa party kagabi.. pwede bang bukas nalang?" Tanong ko at humiga muli ako sa aking kama.
"Lahat kami ay pupunta sa Cebu ngayon, sige ka, edi ikaw lang maiiwan sa Frat house." Sambit ni Jimin.
Napabalikwas ako at tumingin sa kanya, "Ha? Sa Cebu? Paanong.. andun sila.."
"Sila? Sino? Si V at Sana ba?" Tanong ni Jimin at napa-tahimik ako. "Hmm, paano mo nalaman na nasa Cebu na si V at Sana?"
"Bakit naman biglaan ang punta ng lahat sa Cebu? Inimbita ba kayo ni Sana?" Tanong ko naman.
"Ha? Hindi.. Si Johnny ang biglang nag imbita na umuwi sa kanila ngayong weekend." tugon nya.
"Taga Cebu ba si Johnny?" Tanong ko naman.
"Oo, kaya maligo ka na, ako na bahala mag impake ng mga damit mo.. sige na!"
Tinutulak ako ni Jimin na pumasok na sa loob ng banyo kahit may gusto pa akong itanong. Paano nangyari 'to, kagabi lamang ay narinig ko na pupunta si V at Sana sa Cebu at ngayon lahat na kami ay pupunta sa Cebu? Isang malaking pagkakataon naman ito, hindi malabo na magkita kami ni V na kasama si Sana.
Habang kami ay nasa loob ng sasakyan papuntang airport, ay nagsuot na lamang ako ng cap at salamin dahil hindi na ako nakapag lagay ng make-up sa mukha dahil masyado nila akong minamadali na umalis.
"Siguradong matutuwa kayo sa bahay namin, dahil nakatayo ang bahay namin malapit sa beach kaya siguradong mag eenjoy tayong lahat!" Sambit ni Johnny.
"Uh, bakit nga pala biglaan ang alis natin papunta sa Cebu?" Tanong ko naman.
"Well, kaninang umaga nakita namin si V na may dalang bag, sabi nya pupunta sya ng Cebu kasama si Sana ngayong araw, nagkataon naman na si Johnny pala taga Cebu kaya nag pasya sya na yayain tayong lahat para makarating tayo sa kanila." Sagot ni kuya Jk.
"Hmm, see, what a coincidence diba?" bulong ni Jimin sa akin na naka-ngiti. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sayo kanina, paano mo nalaman na papunta ng Cebu si V at Sana?"
"Uh, actually, hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nilang dalawa kagabi.. at nabanggit ni Sana na pupunta nga sila ng Cebu." Tugon ko.
"Hmm, walang kaalam-alam si V na papunta rin tayong lahat sa Cebu kaya sigurado akong magugulat sya." Sabay tawa nito.
Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. Siguradong magugulat nga si V at si Sana dahil papunta rin kami ng Cebu pero masaya ako dahil makikita ko si V.
***
Dumating kami sa Cebu pasado alas-kwatro na ng hapon at kahit halos palubog na ang araw ay sobrang init sa lugar na ito. Sa tingin ko naman first time ko na makarating dito dahil wala akong maalala na nag travel kami ni Jimin papunta ng Cebu.
"Let's go Irene, we're doing a lot of fun this weekend!" sambit ni Wendy sa akin habang naka-akbay ito sa akin.
"Yeah, it will be just the four of us girls!" Sambit naman ni Yeri.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...