Nagpahinga pa muna ako nang halos tatlo pang araw sa bahay. Sa unang araw ng pagbalik ko sa school ay medyo nakakaramdam ako ng kaba dahil siguradong pagtitinginan ako ng mga estudyante sa university ngunit sigurado naman sa akin ni kuya na wala nang mangyayari pang masama o kahit na anong pagbabanta dahil nahuli na nila ang mga tao sa likod ng pang babastos at pananakot sa buong KE.
As usual, sabay kami ni kuya pagpasok sa eskwelahan. Habang kami ay nasa loob ng kotche ay panay naman ang basa ko ng mga notes na sinend sa email ko ng kaklase ko. May exam daw kami ngayon araw sa tatlo namin subjects at dahil sa sobrang dami ko nang absent ang dami ko tuloy hahabulin na mga lessons and activity.
"Baka naman sobra - sobra na yan ginagawa mo mamaya mag overload utak mo at makalimot ka na naman!" biro ni kuya habang pa tawa - tawa ito.
"Tumigil ka nga dyan, wag mo muna ako abalahin ang sa unang subject ko ako mayroong exam.." tugon ko at patuloy ako sa pagbabasa.
Nakarating kami ng maayos sa eskwelahan ay nag madali akong pumasok sa aking classroom. Hindi na rin ako nakapag-paalam kay kuya dahil mayroon akong hindi maunawaan sa mga notes na sinend sa akin ni Kathy kailangan kong linawin muna ito.
***
Sa hallway naman ay naglalakad si Jimin, V, at Jk.
"Nakalabas na ba si Johnny sa ospital?" Tanong ni Jimin.
"Hindi pa, ang sabi ng doctor nya sasailalim ulit siya sa iba't ibang klaseng examination dahil hanggang sa ngayon ay traumatized pa rin si Johnny." Sagot ni V.
"Mamaya makakaharap na natin ang mga tao sa likod ng insidente, after lunch ang scheduled natin sa prisinto.." Tugon naman ni Jk.
"Kamusta si Irene?" Tanong ni V.
"Ha? Diba dapat ako mag tanong sayo nyan, ngayong bumalik na ang alaala ni Irene.. kamusta kayo ni Irene?" Tanong naman ni Jk.
"Hindi ako makikipag-balikan kay Irene, kahit na binigay nyo ang blessing nyo sa aking dalawa hindi ko gagawin na mag take advantage sa nangyari kay Irene." Tugon ni V.
Tumigil si Jk sa paglalakad at ganun rin si V at Jimin, "Wag mo nang ulitin ang nangyari kay Sana ang pangyayaring nangyari kay Joy noon."
"Magkaiba si Joy at si Sana.." kaagad na tugon ni V.
"Naka kalimutan mo ba na si Sana ang gumawa ng aksidente ni Johnny na sarili pa nyang kapatid?" sambit ni Jimin.
"Alam ko 'yon, at nagawa lang ni Sana iyon dahil punong puno sya ng insecurities sa katawan.. naiinggit sya sa atensyon na binibigay ng mga magulang nya kay Johnny.. kaya naman nagawa nya iyon."
"V.. alam mo at alam nating lahat na may nararamdaman ka pa kay Irene, bakit mo kailangang pahirapan ang sarili mo? Bakit hindi mo magawang iwan si Sana ngayon?" Tanong ni Jimin.
"Noong mga panahon na nasa Amerika kayo.. kasalukuyan na magkasama kayo ni Irene, halos mamatay ako sa selos noon at kahit pumayag ako na magkaroon kayo ng relasyon, tinanggap ko 'yon ng buo Jimin.. si Sana lang ang mayroon ako noon, ginawa nya ang lahat para mapansin ko sya, pinapatawa nya ako, inaalagaan nya ako.. at nang makita ko sya dito sa school kung saan dito rin ako nagaaral, nasabi ko sa sarili ko na kailangan ko makalimutan si Irene, may iba pang tao sa mundo pwede kong pag tuunan ng pansin. At pinapahalagahan ko ngayon ang isang taong nagbigay sa akin ng lakas para makabangon. "
Naglakad na ulit ito ng paabante dahil hindi na sumugot pa si Jimin at V. Nagkatinginan na lamang ito at sinundan si V.
****
Natapos ang halos kalahating araw at nakaraos din ako sa tatlong examination na ginawa ko. Hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin ang mga libro ko dahil kailangan kong sagutan lahat ng modules na binigay sa akin ng mga professor as my remidial na dulot ng marami kong absent.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Dla nastolatkówHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...