Chapter 30

288 40 9
                                    

Nakabalik na kami sa Manila ng hapon at hindi na rin naghiwalay si V at Sana. Hindi na rin nya ako pinapansin at kahit sa mata ko ay naiwas na rin sya. Talagang tinotoo nya ang sinabi nya sa akin kagabi.

"Irene, are you free.. I mean, we decided to have coffee in our coffee shop before heading home. Is that okay?" Tanong ni Gigi.

"ah, yeah, of course.. I badly needed this.." tugon ko naman.

"Oh, cheer up!" sambit ni Wendy. "You will be okay.. wag ka na malungkot!"

"Heh," ngumiti ako at tumango. "Okay, let's go!"

"Alright! On my car okay?" Sambit ni Gigi.

Nagpaalam si Wendy at Yeri sa kanilang mga boyfriend at naka-tingin naman si Jimin sa akin. Sumenyas sya sa akin kung okay lang ako at tumango naman ako.

Kaming lahat ay nagpaalam na sa kanila at nauna na kaming umalis sa airport.

" Saan pupunta ang mga 'yon?" Tanong ni Johnny.

"Girls thing, wag mo na alamin," tugon ni Jin.

"Bakit hindi kasama si Sana?" Tanong ni Johnny.

"Look, kasama ni V si Sana oh," tugon naman ni Jk.

"Oh," tumango na lamang ito at niyakag na maglakad na kasabay nila.

***

Sa labas ng bahay si Sana ay naka-upo si V sa labas ng kotse nya habang ang katulong naman ni Sana ang nagbubuhat ng mga gamit na dala-dala nya mula sa Cebu.

"Babe, I'm sorry, hindi tayo nakapag-enjoy dalawa sa weekend na getaway na 'yon.. si Gigi at Wendy kasi lagi nila ako niyaya kung saan-saan." Sambit ni Sana.

"It is okay, magpahinga ka na.. susunduin kita bukas umaga, sabay na tayong pumasok," tugon ni V.

"Okay, I would be delighted!" sabay halik nito kay V. "I'll see you tomorrow, drive safe!" tumalikod na si Sana at naglalakad na ito papasok sa kanyang bahay.

"Sana.."

"Hmm?" lumingon si Sana kay V.

"Iwasan mo si Irene, wag ka nang makipag kaibigan sa kanya.."

"Huh?Pero bakit.. I mean, sya ang dahilan kung bakit tayo nagkabalikan, galit ka ba sa kanya dahil sinira nya ang game natin sa island?" Tanong ni Sana.

Umiling si V, "Hindi, mas makakabuti lang na hindi na kayo mag-usap madalas, dahil lagi nalang sya ang bukang bibig mo.."

"Ohhhh," lumapit muli ito kay V at yumakap ito. "Nagseselos ka ba dahil malapit ako kay Irene? Hmm, don't worry, sige.. susundin kita hindi na ako makikipag-usap kay Irene.."

"Okay, good, sige na.. pumasok ka na sa loob." Tugon ni V at humalik muli si Sana sa kanya.

***

Sa Starbucks coffee shop ay naka-upo na kaming lahat malapit sa bintana na kita ang national road. Pare-parehas kaming may iniinom na kape at mas napili kong uminom ng freshly brewed coffee americano kahit na ang suggested nila para sa akin ay frappe or milkshake para daw tumamis ang mood ko.

"So ano na ang balak mo ngayon?" Tanong ni Yeri.

"Clearly I don't know.. hindi na rin ako pinapansin ni V kagaya ng sinabi nya kagabi lang, na sabi nya last na daw 'yon.." sagot ko.

"I am still investigating to my theory, kasi as I said, Sana is clearly insane person.. siguro binablack mail nya si V para hindi makipag-hiwalay ito sa kanya." Sambit ni Gigi.

The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon