Lahat kami ay naghahapunan na magkakasama dahil sobrang laki na nang aming dining table. Malaki na rin ang main kitchen namin. Mayroon kaming scheduled board na naka-lagay sa front porch ng bahay. Nakalagay dito lahat ng mga activities ng KE at mga assigned duties namin per week at per month.
Sa tingin ko ay mas magiging maayos ngayon ang KE. Mas nagiging matatag talaga ang lahat pagkatapos mahirapan.
"Irene!" tawag ni Johnny at may dala-dala itong dalawang bote ng beer. "Oh.." iniabot nya sa akin ang beer at parehas kaming tumingin sa scheduled board. "Ahh, sayang, hindi na pala tayo magiging sabay sa pagluluto.."
"Hmm? Anong floor mo ba?" Tanong ko naman.
"Sa 4th floor ako, kaya may mga mini kitchen sa bawat floor ay para hindi mag crowded dito sa ground floor. Ang ibig sabihin lahat ng magkaka-floor ang magdedecide kung paano ang scheduling ng bawat daily routine."
"Hmm, ibig sabihin hindi ko makakasabay sila Gigi kumain ganuon ba?" Tanong ko naman.
"Parang ganun na nga, kasi bawat floor may supply ng bawat groceries, para ma-monitor na rin ang lahat ng expenses ng KE.. Ibig sabihin, kailangan may mga team leader sa bawat floor area para sya ang mag aassign ng duties at iba pang inventory tasks sa mga supplies at materials ng frat house kagaya ng iba't ibang amenities at toiletries."
"Hmm, para pala tayong nasa dorm ngayon.. hmm, teka hindi ko pa nakikita ang mga makakasama ko sa floor area ko.."
"Anong floor mo ba?"
"Katulad ng dati, 3rd floor pa rin.." tugon ko naman.
"Parang sila Drew yata ang ka-floor mo, at yung ibang member.." sagot naman nya.
"Ha? May mga bagong member ba tayo?" Tanong ko naman.
"Oo naman," tugon nito na naka-tawa. "Sa tingin mo ba mga bisita lang natin yung iba sa mga yan.." sabay turo nya sa mga bagong mukha na nakikita ko na nakatayo sa may pasilyo.
"Hmm, bakit ngayon ko lang sila nakita?" Tanong ko naman.
"Well, kakapasa palang nila sa initiation kaya newbie ang mga yan.. Wag kang mag-alala senior ka naman nila kaya hindi ka mahihirapan na pasunurin sila."
"Heh, wala naman akong balak na kontrolin sila or anything.."
"Tara duon," sambit nya at itinuturo nya ang living room area kung nasaan sila Gigi.
Habang kami ay naglalakad ay bigla naman dumating si V at may dala-dala itong malaking bag. Gulo-gulo ang kanyang buhok at mukhang pagod na pagod sya.
"Oh I see, ikaw pala ang hindi pa nakakabunot kaya pala may natitira pa sa fishball na number." Sambit ni Jhope.
"Anong floor ko?" Tanong naman ni V.
"Well," tiningnan ni Jhope ang number sa papel. "Here.. 303.. 3rd floor!" ibinigay nito ang susi kay V. "Welcome aboard sir!"
"Heh," nag smirk lamang ito at kinuha ang susi at kinuha na muli nya ang bag na dala-dala nya at nagmadali na pumunta sa elevator.
303 ang number nya, ibig sabihin kalapit kwarto ko lang sya. Nagkataon pa na magkaparehas kami ng floor at tabing kwarto ko pa, akala ko ay makakaiwas na ako ngayon kay V pero makikita ko pa rin pala sya lagi.
Makalipas ang ilang oras ay nagpasya na rin akong umakyat papunta ng kwarto ko dahil nakakaramdam na ako ng antok.
Pag bukas ng elevator ay bumungad sa akin si V at hindi man lang ito tumigil para tingnan ako at tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad. Sinundan ko sya ng tingin at sa tingin ko ay aalis na naman sya, pero madaling araw na saan naman kaya sya pupunta ng ganitong oras.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...