***Flashbacks***
"Irene.." sambit ko sa kanya at tumingin naman siya. "Nakalimutan mo na ba talaga ako?"
"Ehh? Ano.. Anong sinasabi mo?"
"Ang pangalan ko ay V, at gustong-gusto kong naririnig ang boses mo sa tuwing tinatawag mo ako sa aking totoong pangalan.."
"Ha? Hindi Travis ang pangalan mo?" Tanong nito na gulat na gulat.
Tumango ako habang naka-ngiti, hindi kami tumigil sa pagsasayaw. "Mahal kita Irene.."
Natulala ito at nagsisimula siyang huminga nang abnormal. Tumigil kami sa pagsasayaw ngunit kapit-kapit ko pa rin siya sa bewang at sa kanyang kamay.
"Ako ang kakauna-unahan mong naging kaibigan sa Suzuran, lagi tayong magkasabay umuwi at minsan nga ay pati pagpasok sa eskwelahan. Natatandaan mo ba nuong una tayong mag-date? Nag-overnight sleep pa tayo sa bahay ng kuya dahil sa wala na tayong masakyan. At sa ferris wheel, duon kita unang nahalikan.."
Binitawan ko ang kamay niya at dahan-dahan kong dinampi ang aking kamay sa kanyang makinis na mukha. Nakatitig lamang siya sa akin habang malalaki ang kanyang mata. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya, mukhang gusto niyang magsalita pero walang nalabas ng kahit na ano sa kanyang bibig.
"Maaaring nakalimutan mo ako dyan sa isip mo, pero andyan lang ako sa puso mo.."
"Ehh.. Eh-Ano.. A-Anong sinasabi mo, hindi ko maintindihan.." Sagot nito at nauutal pa rin siya.
"Heh," nag-smirk ako sa kanya sabay hawak sa mukha niya. Itinaas ko ang kanyang baba. "Siguro, maaalala mo ito.." gumalaw ako papunta sa kanyang labi at dahan-dahan kong hinalikan ang kanyang labi.
***End of Flashbacks***
Nagising nalang ako nang sobrang sakit ng ulo ko. Bumangon ako sa isang kama at nakakapag-taka talaga.
"Bakit ako andito?" Tanong ko at biglang dumating si Sana na may dalang paper bag.
"Heyyy.. buti naman at gising ka na, akala ko talaga kung ano na nangyari sayo." Sambit ni Sana at lumapit sya sa tabi ko para tingnan ang temperature ko mula sa aking noo.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko naman sa kanya. "Bakit ba ako andito?"
"Ha? Wag mo sabihing hindi mo maalala nangyari sayo kanina?" Naka-kunot na tanong nito.
"Magtatanong ba ako kung naaalala ko ang nangyari?" Sabay irap ko at bumangon na ako sa kama. "Bakit ba ako andito?"
"Well, pag pasok mo palang sa classroom bigla ka nalang tumumba," sabay bugtong hininga nito. "Ang weird mo ngayong araw ha," sabay irap ulit ng mata nito. "Hindi ka pwedeng magkasakit ngayon, bukas na ang University night masisira ang plano natin nyan."
"Heh," sabay tawa ko. "Okay lang ako no, medyo masama lang talaga ang gising ko ngayong araw."
"Kumain ka na, sabi nang doctor you need to take a lot rest and eat more," tugon nito at hinatak nya ako pabalik ng kama. "Come on, eat this.. niluto ko yan sa laboratory kanina habang nagpapahinga ka."
"Anong oras na?" Tanong ko naman.
"Well," tumingin ito sa relo nya, "It's already 12:30pm, kaya kumain ka na dito."
Bumalikwas ulit ako sa pagkaka-upo ko sa kama at agad kong sinuot ang aking sapatos. Naaalala ko na, sabi ni V sabay kami magla-lunch ngayon.
"Oy, teka saan ka na naman pupunta?"
"Kelangan ko makipag-kita kay V.." tugon ko naman habang inaayos ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...