Nagising ako at tumingin ako sa aking orasan, tapos na pala ang tanghalian. Sobrang napahaba naman yata ang pagtulog ko nasakit tuloy ang ulo ko. Dumaretcho muna ako ng banyo at agad akong naligo. Pagkatapos ko maligo ay naglakad na ako papunta sa kusina dahil nagugutom na ako. Kahit masakit ulo ko ay nararamdaman ko na magaan pakiramdam ko.
"Irene!"
Agad akong napalingon ng marining ko ang pangalan ko at nakita ko si Jimin, "Jimin.."
"Saan ka galing?" tanong nya.
"Ahh.. ka.. kagigising ko lang," tugon ko naman at hindi ako makatingin sa kanya ng maayos hindi ko pwedeng sabihin na magkasama kami ni V buong araw kahapon.
"Ha? So ibig sabihin nasa kwarto ka lang buong gabi at ngayon ka lang nagising?"
"Aghh. Oo!" napa-sigaw ako, "I mean oo, hindi ko alam na ganun na pala kahaba ang itinulog ko," pa tawa tawa kong sagot.
"Okay, akala ko naman kung saan ka na nag punta," sabay patong ng kamay nya sa ulo ko, "Siguradong hindi ka pa nakain, halika, ipagluluto kita dahil walang nagluto ngayon dito sa bahay.."
Naglalakad kami papuntang kusina at napansin ko ngang tahimik sa bahay kaya siguro magaan ang pakiramdam ko.
"Teka..akala ko ba may business meeting ka abroad?" tanong ko kay Jimin.
"Well, that's the good news that's why I am here searching for you. My business meeting is postponed so I can finally be your date for tonight's university night," sagot nya na nakatawa, "Buti nalang my designer is really good, he already made suit for me."
"Oh," ngumiti ako pero ibig sabihin nito magkaka-problema sa plano namin ni Sana.
"Hey, hindi ka ba masaya?" tanong niya.
"No.. no, of course I am happy, I was just.. surprise I guess.." tugon ko.
"Yah, I knew you will be surprise," sambit naman nya.
Nagsimula na siya magluto at naka-upo lamang ako sa harapan ng counter. Kailangan kong tawagan si Sana para malaman nya na magiging partner ko si Jimin ngayon gabi, pero niyaya ko si V na maging date ko. Ugh, anong gagawin ko.
"Ahhh, babalik lang ako sa kwarto, kukunin ko lang cellphone ko.." sambit ko sa kanya.
"Hmm, okay, may tatawagan ka ba?" tanong naman nya.
"Ah oo, ung make up artist namin nila Wendy.. itatanong ko lang kung anong oras."
"Oh, okay, pero bumalik ka kagad, hindi ka pa nakain.." tugon nya.
"Oo, I'll be right back."
Binilisan ko ang lakad ko pabalik ng aking kwarto. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong dinampot ang cellphone at dial ang number ni Sana.
"Hello? Sana!"
"Irene, I'm on my way to the dresser, asan ka na?"
"Ha? May problema tayo, hindi na tuloy ang business meeting ni Jimin abroad, kaya sya ang magiging partner ko tonight."
"Oh, that's not a problem anymore, this morning pumunta sa akin si V at tinanong nya kung pwede ko sya maging escort tonight, and I say yes of course. Thank you very much Irene, sinabi mo sa kanya ang totoo na gusto ko sya maging escort. I am truly thankful, so as showing of my appreciation of thanking I asked my uncle to make you another dress para hindi tayo magkatulad ayon sa plan natin dalawa. Saka there's no use na ung plan, okay? So you can thank me later, I'll see you.. nag da-drive ako, bye! "
Hindi man lang ako nakapag salita sa narinig ko mula sa kanya. Anong sinabi ni V, wala akong binanggit na kahit na ako kay V tungkol kay Sana. Namomoblema ako sa wala.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...