Nang makaalis kami sa loob ng gymnasium ay nagtungo kami sa argricultural area kung saan ang pinaka-presko na lugar sa buong campus.
"Alam mo bang ngayon pa lang ako nakapunta sa lugar na ito? Palagi sa akin 'to kinuwento ng kaklase ko pero hindi ako nagagawi sa lugar na ito.." pa tawa tawa kong sambit.
"Lagi ako napunta dito lalo na nuong nasa freshmen year palang ako." Naupo kami sa picnic table area at saka ko lang napansin na may labit-labit pala syang paper bag.
"Ano yang dala mo?" Tanong ko at agad naman nyang kinuha ang dalawang lunch box mula sa paper bag.
"Nag gawa ako ng bento box!" tugon nya at binuklat na nya ito. Habang patuloy sya sa pag kuha sa paper bag ng dala nya ay mas lalong lumalaki ang mga ko sa nakikita ko ngayon.
"Ayan, gumawa ako ng healthy lunch para sa ating dalawa, isang mataas ang calories at mababa na calories.." paliwanag pa nya habang tinuturo ang mga ginawa nyang bento boxes.
"Wow! Ang ganda naman ng pagkakaayos mo, siguradong masarap ang mga yan!" Tugon ko naman dahil bigla na akong nakaramdam ng gutom pagkatapos kong makita ang mga ito.
"Sige na, kumain ka na," at bigla naman syang tumayo at napatingin ako sa kanya, "Ah, bibili lang ako ng inumin nating dalawa, anduon lang naman ang vendo machine.." habang tinuturo nya ang machine.
"Okay," tugon ko naman at patuloy lang ako sa pagkain dahil sobrang sarap ng niluto nya ngayon. "Hmm? Lunch box?" napatingin ako sa mga bento boxes at saka ko na realize na ito ang hinihilingin ko na premyo ko sa kanya nuong naglaro kami ng shooting game.
Nang makabalik sya ay dala itong tubig at isang juices. Hinantay ko muna syang makaupo.
"Uh, Johnny, bakit ka nga pala nag gawa ng bento boxes ngayon?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan nya ang tubig.
"Diba sabi mo ay gusto mo ng packed lunch? Kaya ayan, ginawan kita.." tugon nya at uminom sya ng tubig.
"Pero, ikaw ang nanalo sa ating dalawa sa game diba?"
"Oo nga, pero kahit nanalo ako, ipaggagawa pa rin kita ng pack lunch mo araw-araw.." tugon naman nya at nagsimula na syang kumain.
"Talaga? As in araw-araw?" Tanong ko pa para mas makasigurado ako dahil gustong gusto ko talaga ang mga niluluto nya.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...