Chapter 21

362 45 3
                                    


Sa loob ng sasakyan, pinipilit ko pa rin siyang bumalik ng school dahil sa meron pa akong klase, porket wala siyang klase ang lakas nyang mag yayaya na gumala kung saan. Nakakainis, lagi nalang nya akong naiisahan.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Chill ka lang, mostly ang girls na naisasakay ko dito tuwang tuwa at kinikilig pa." Tugon naman nya.

"Well, obviously I'm not like those other girls you're talking about.." sabay ikot ng mata ko. "Anyway, bakit ka ba nagpapa-impress sa akin ngayon?"

"I'm not trying to impress you.. I want you to know me."

Sa tuwing nagsasalita sya may pagkindat pa syang ginagawa. Nakakainis pero ang cute nya tingnan. Siguro naman okay lang na mag cut ako nang class since tomorrow ay University night na, I'm sure tamad na mag turo ang mga professor ngayon.

Makalipas ang higit isang oras..

Nagising nalang ako bigla mula sa aking pagkakatulog at nagulat nalang ako na nakatulog na pala ako. Ganun ba kahaba ang byinahe namin kaya nakatulog na ako?

Napabalikwas ako nang mapansin ko na wala na si V sa loob ng kotse, "Teka... Asan si?" Nang mapa-lingon ako sa labas ng bintana ay naglalakad na sya papunta sa kotse.

Binuksan nya ang pinto ng kotse sa tabi ko, "Buti at gising ka na. Halika na."

"Ehh?" Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kotse. "Nasaan ba tayo?" Sabay lingon ko sa paligid.

"I'm sure aware ka naman sa amusement park, right?" Tanong nya sa akin sabay higit sa akin para lumakad.

"Errgh?!!" Pumiglas ako sa pagkaka-hawak nya sa braso ko. "Bakit mo ba ako laging hinahatak? Hindi ako aso na kailangan naka-tali sayo."

"Ehh, hahahaha.." tumawa ito at lumakad na uli. "Oo nga pala, marunong nga palang sumunod ang aso sa amo nya."

"Ano!!!!!" Sigaw ko sa kanya at nagmadaling tumakbo pa-sunod sa kanyang paglalakad.

Nang makapasok na kami sa loob ng amusement park tila biglang gumaan ang loob ko sa kanya. Siguro dahil excited din ako na sumakay sa mga rides kaya napapa-ngiti na lamang ako. Ngunit, may pakiramdam ako na nakapunta na ako sa lugar na ito bawat makita ko sa aking paligid ay tila pamilyar.

"Ahhh.. v...V!"

"Hmm?" Tumingin sya sakin habang nakain sya ng empanada.

"Bakit mo ba ako dinala dito?"

"Simula ngayon, tayo nang dalawa.. at girlfriend kita. Ginagawa naman to naman ng mag karelasyon diba.." tugon nito.

"Ang layo nang sagot mo sa tanong ko.."

"Ano bang gusto mong marinig?" Sabay tawa nito habang tuloy pa rin sa pagkain.

"Ang ibig ko sabihin sa dami-daming pwedeng puntahan sa Manila, bakit dito mo pa ako dinala?" Sabay irap ko sa kanya.

"Paborito ko tong puntahan kaya dito kita dinala."

"So ibig sabihin, marami ka nang babae na dinala dito, ganun ba?" Tanong ko kaagad.

"Uh-uh," sabay pa-iling iling ito. "Ikaw lang dinala ko dito," hinablot nya ang hawak ko na empanada. "Hindi mo ba to kakainin? Akin nalang," sabay talikod nito. "Tara na.. may papanuorin pa tayo."

Dahil wala naman akong magagawa kahit maghapon akong makipag-talo sa kanya susunod nalang ako sa gusto nyang gawin ngayong araw. Chance ko na rin to para makilala siya nang mas malalim pa.

Halos kinse minutos kami na naglalakad na may anim na metro na pagitan mula sa likod nya, hindi man lang sya lumilingon hanggang aa maubos na nya ang empanada na kinuha nya sa akin, gusto ko sanang kainin un kaya lang mukhang mas kailangan nya.

The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon