Pasado alas syete na nang makaalis kami sa bahay, nag bihis pa ako ng maayos at nag make-up ayon sa utos ni papa.
Habang kami ay nasa byahe ay napansin kung hindi mapakali si kuya na katabi ko. Panay ang buntong hininga nito at hinga ng malalim.
"Relax lang kuya," ngiti ko sa kanya at ngumiti rin naman sya.
Dumating na kami sa Edsa Shangri-La Hotel at pinagbuksan kami ng ng valet attendant. Habang kami ay papasok ay sumalubong naman sa amin ang receptionist at sinamahan nya kami papunta sa restaurant.
Pagdating namin sa restaurant ay nakita namin si papa at si tita na nainom na ng wine. Humalik kaagad ako kay papa ng makarating sa table bilang pagbati at ganun din ang ginawa ni kuya kay tita.
Naupo kami sa tabi ni tita at magkatabi kami ni kuya, "So uh, are we celebrating something?"
"We are meeting important people Irene," tugon naman ni tita at nang lingonin ko si kuya ay bakas sa mukha nya na kinakabahan sya. "Bakit nga pala ngayon lang kayo dumating? Buti nalang hindi pa nadating ang mga bisita natin."
"Traffic ma," tugon ni kuya at kinuha nya ang wine bottle at nilagyan ang kanyang wine glass para uminom.
"Ah, pa.."
Tumayo bigla si papa at si tita kaya natigil ako sa pagsasalita. Nang lumingon ako ay laking gulat ko ng makita ko si sir Tagaro mula sa Suzuran at may kasama itong dalawang babae.
"Long time no see.." bati ni papa at nagkamay ang dalawa.
Nakipag-beso beso naman si tita sa kasamang babae ni sir Tagaro at sumenyas ito sa amin na tumayo kami para bumati.
Sabay naman kaming tumayo ni kuya at binati sila na may kasamang napipilitan na ngiti.
"Maupo na tayo." Sambit ni papa at lahat kami ay bumalik sa kinauupuan namin.
"Kamusta Irene?" bati ni sir Tagaro at ngumiti naman ako, "Mas lalo kang gumanda ngayon."
"Uh, sa.. salamat po.." tugon ko naman.
"Ipapakilala ko lang ang aking asawa na si Lucy at ang aking pangalawang na anak na si Nancy." Sambit ni sir at ngumiti naman sa amin ang asawa at anak nya.
Tumingin si Nancy kay kuya at napansin kong si kuya naman ay umiilag ng tingin dito. Sa tingin ko ay alam niya ang mangyayari ngayong gabi.
Nagpatuloy ang kwentuhan ng mga magulang namin hanggang sa dumating ang mga pagkain na inorder namin.
Nag simula na rin kaming kumain ngunit si kuya ay hindi ginagalaw ang kanyang pagkain, patuloy lang sya sa pag inom ng wine at naubos na nga nya ang isang bote.
Maya-maya lamang ay dumating na si Titan at bihis na bihis rin ito.
"Uh, Miss Irene? Sir Jk?" Tanong nito na gulat na gulat, "What's going on?"
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...