Chapter 48

200 33 1
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay nagtataka kaming dalawa ni kuya dahil hindi nagsasalita ang mga magulang namin. Sinundan namin sila hanggang sa salas at naupo sila ng magkatabi.
m pagtataka.

"Bukas na bukas din, babalik kayong dalawa sa Amerika!" sambit ni papa at parehas namin ito ikinagulat ni kuya.

"HAAAHHHH??" Tumayo ako sinesenyasan ako ni tita na maupo. "No, I am not going back in America! Pa, bumalik na ang alaala ko, you can't do this!" mariin kong sinambit.

"Alam ko, kaya mas makakabuti sayo na bumalik muli sa Amerika, mas ligtas kayong dalawa duon, lalo ka na anak.." tugon naman ni papa at ramdam ko na mayroon na namang problema.

"What's wrong? We didn't do anything wrong pa!" mariin kong tugon, "Kung nag aalala ka dahil sa nangyari sa frat house, hindi kami ang gumawa nuon kay Drew ang kabilang fraternity ang gumawa non!"

"Naniniwala ako sayo Irene, kaya gusto ko kayo bumalik ng Amerika dahil ayaw ko na ulit ma-trauma ka pa anak.." tumayo ito at hinawakan nya ang aking balikat, "Ikaw ang prinsesa ng buhay ko anak, ayaw ko na mapapahamak ka pa."

"Pa, ayaw ko ng bumalik ng America.. andito ang mga kaibigan ko.." tugon ko sa kanya at pakiusap, may isang bagay lang akong ginagawa sa tuwing tutol ako sa mga gusto nya, "Gagawin ko ang lahat ng gusto mo pa, wag mo lang ako ibalik ng Amerika!"

"Heh," ngumiti ito at lumakad palayo sa akin, "Anak, hanggang ngayon ay lagi ka pa rin nakikipag-bargain sa akin."

"Pa, I will do anything, wag mo lang ako dadalhin sa Amerika." Mariin kong sambit.

"Heh, we'll see.." tugon naman nya pumunta sya sa table para kumuha ng paborito nyang Whiskey, "Magpahinga na kayong dalawa."

"Tama, simula ngayon, dito na ulit kayo titira at hindi sa frat house na iyon. Kapag aalis kayo, kailangan may kasama kayong body guards ihahatid kayo kahit saan kayo pumunta." Tugon naman ni Tita.

"What!" tumayo na rin si kuya, "Mom, bakit kailangan pa ng bodyguards? We are not 6yrs old!"

"Do you think I will let you two to wander everywhere you wanna go? Pagkatapos ng nangyari sa sinalihan nyo na fraternity, posibleng kayo na ang isunod!" mariin na sambit nya.

"We still need to go back in the frat house, andun ang mga gamit namin.." tugon naman ni kuya.

"No worries anak," tugon ni tita at lumapit ito kay kuya, "Ipapakuha ko ang mga gamit nyong dalawa ni Irene sa bahay na 'yon!"

"Hindi na namin kayo hahayaan na bumalik sa bahay na' yon, at wag nyo na kaming pigilan bilang mga magulang ninyo." Sambit naman ni papa.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nanatili ako sa aking kwarto. Hindi ako mapakali dahil sobrang dami kong iniisip, pero ang mas inaalala ko ay ang ang biglang pagdating ni papa. Kita ko sa kanyang mga mata na natatakot sya at kutob kong may binabalak sya ngayon.

Ang pag pasya nya na agarang pag balik namin sa Amerika ay hindi lang basta-basta, siguradong may mas malalim pa syang dahilan kung bakit nagmamadali syang bumalik kami duon at kailangan ko 'yon malaman.

"Tok! Tok! Tok!" kaagad akong pumunta sa aking pinto para buksan ito at si kuya ang kumatok.

"We need a plan!" sambit agad nya at tuloy-tuloy sya sa pag pasok sa kwarto ko. "Kinausap ako ni mom, your dad is planning on something to us.. gusto nya na parehas tayong mag take over ng company.."

"Wait.. what.. Akala ko ba ikaw lang ang.."

"My mom wants me to break up with Yeri, kapalit ng hindi pag punta ng Amerika.." tugon nya at nabigla ako sa kanyang sinabi. "I smell something weird here.. this is a smell of business Irene, sa tingin ko ay may balak sila na i-arrange ang magiging ka partner ko."

The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon