Isang araw nalang at University night na, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapapayag si V na maging partner ko sa gabing 'yon. Kailangan ko nang itodo ang lahat ng effort na kaya ko ngayong araw para maging partner nya ako sa gabing iyon.Habang ako ay naglalakad palabas na nang frat house ay bumungad kaagad sa akin si V at Jimin na magkausap sa labas ng main door, kaagad akong tumakbo papunta sa kurtina para magtago at ng sa ganon ay marinig ko rin ang pinaguusapan nilang dalawa.
Parehas silang naninigarilyo sa labas at sinindihan pa ni V ang sigarilyo ni Jimin. How dare him to smoke, nakaka-inis.
"I'm tonight V, business stuff.." sambit ni Jimin habang bumubuga ito nang usok.
"Where are you going?" Tanong naman ni V.
"Switzerland, my father's wanted me to attend one of our client's daughter's some birthday party or whatever.." sabay hinga nang malalim, "You should take care of her.."
"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo 'to ginagawa sa sarili mo at sa akin?! Mas lalo lang gugulo ang lahat." Tugon ni V at panay rin ang hithit nito sa sigarilyo nya.
"Heh," umakbay si Jimin kay V. "We are friends no matter what.. take care of her for me," tinapik nya ito at lumakad na papunta sa kanyang kotse. "I'll see you later!"
Teka, aalis si Jimin na hindi ako kasabay? As I expected, nagiging busy na naman sya sa family business nila at halos lagi nang walang time para sa aming dalawa. Oh, wait! Kung aalis sya mamaya papuntang Switzerland, that means hindi sya makaka-punta sa University night. Tama, naaayon sa plano ko ang lahat. Chance ko na rin to para masolo ko si V na hindi ako nangangamba.
Inayos ko muna ang damit ko at tumingin sa pocket mirror ko. Kailangan irresistible look ang impression na maibigay ko sa kanya ngayong araw. I clear my throat first and make the first step out of the main door.
Pag labas ko pa lamang ay napatigil na kaagad sya sa kanyang pagsisigarilyo at tuloy-tuloy lang ako sa pag lalakad.
"Hey!" Sigaw nya at dahan-dahan akong tumigil para lumingon sa kanya with a little smile.
"Yes?" Tugon ko na malambing.
"Let's go to school together." Sagot nya at pinatay na nya ang sigarilyo na hawak nya.
Successful! Napansin nya rin ako na hindi ako ang unang nag approach sa kanya. This is my chance, umaayon talaga ang lahat sa plano ko.
Kinuha nya ang kanyang helmet at ibinigay nya ito sa akin."Don't tell me sasakay tayo sa bike mo?"
"What do you expect? Ito lang naman ang sinasakyan ko pag pasok sa school." Tugon naman nya.
"You have a car, papasakayin mo talaga ako dyan? I'm wearing skirt!" Diin kong katwiran sa kanya. Napatingin naman sya aking suot at napa buntong hininga ito.
"Okay," kinuha nya ang helmet sa aking kamay. "Mag taxi nalang tayo!"
"What? No! Where's your car?" Tanong ko sa kanya and I completely objected with his idea to get a taxi.
"My car is not here," tugon nya at lumakad sya pasakay sa kanyang bike para itabi na ito sa garage.
"No wait!" Sigaw ko sa kanya at huminto naman sya sa pag kilos. "Let's go, baka malate pa tayo sa school."
Lumapit ako sa kanya at hinablot ang kanyang hawak na helmet. Isinuot ko na rin ito sa aking ulo.
"Are you sure?" Tanong nito habang naka-kunot ang noo. Mukhang nag aalala naman sya, kaya mas lalo ko syang pag aalalahanin.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...