Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil linggo naman. Gusto ko sanang bumawi sa mga newbie dahil inalagaan nila ako kahapon.
5AM pa lamang ay bumangon na ako para makapag handa ng breakfast nila. Kakaiba ang panahon ngayon dahil makulimlim sa labas ng bahay at tila uulan buong araw.
Halos dalawang oras akong nagluluto at buti nalang high technology lahat ang mayroon dito sa kitchen mas napadali ang aking pagluluto.
"Hhmm, ano 'yong amoy na yon?" naririnig ko na usapan mula sa pasilyo at sa tingin ko ay ang mga newbies ito.
"Miss Irene?" bati ni Drew.
"Good morning boys!" tugon ko naman.
"Good morning Miss Irene," bati naman ni Titan.
Lahat sila ay nakatingin sa lamesa na hinanda ko para sa kanila at base sa mga itsura ng mukha nila ay excited na silang kainin ang mga hinanda ko.
"Wow.. sobrang daming pagkain! At mukhang masasarap lahat.." sambit nilang lahat.
"Ikaw ang naghanda ng lahat ng ito?" Tanong ni Titan na gulat na gulat.
"Oo, kung ikaw, pre-med ka.. ako naman ay culinary student, that means I can cook really well.." tugon ko sa kanya. "Sige na, umupo na kayo para makakain na tayong lahat.. Hinanda ko yan para sa inyong lahat bilang pasasalamat ko sa pag-aalaga nyo sa akin kahapon.."
"Yess! Kainan na!! Salamat Miss Irene!" mga tugon nila habang nagsisimula na silang kumain.
Naupo ako dulong bahagi ng hapag kainan at naupo naman sa kaliwa si Drew at sa kanan ko naman si Titan. Habang tinitingnan ko ang mga itsura nila ay natutuwa na rin ako at sa tingin ko ay nakabawi na ako sa kanila.
"Hmmm! Ang sarap nito!"
"Grabe.. kung araw-araw ganito kasarap ang pagkain, okay lang kahit malate ako sa school araw-araw!"
Lahat ay nagtatawanan at masayang kumakain ng mga pagkain na aking inihanda.
"No, you are wrong Miss Irene.. you don't cook really good.." sambit ni Titan at napatigil ako sa pagkain. "You cooked really awesome!"
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...