Lunch break na at nag handa ako nang surprise para kay V. Nag dahilan ako kay Jimin na kasabay ko si Sana sa lunch, tamang tama naman dahil papunta sya sa company para sa business meeting nya.I was still wondering kung pupunta sya, 30 minutes na nakalipas ng magsimula ang lunch break bakit wala pa siya dito.
"Eherm." Napa-lingon ako agad at si V na na nga ang ito. "What are you doing?"
"I'm glad you came!" Tugon ko naman at hinawakan ko kagad sya sa braso ngunit umiwas ito. "Let's eat!"
"Stop doing this, I'm serious!" Naka-mungot na naman ang mukha nya.
"Wag ka muna sumimangot dyan, kainin mo 'tong niluto ko," naupo ulit ako sa blanket at kinuha ang bowl na may laman na pork steak na niluto ko sa laboratory. "Come on, sit beside me!"
"Inuutusan ka ba na gawin ni Sana 'to? Kung nakikipag-sabwatan ka sa kanya, itigil nyo na to dahil hindi ako natutuwa." Sagot na matikas ni V.
"Hindi ako nakikipag-sabwatan sa kanya, totoo ang sinabi ko sayo," tugon ko naman sabay ngiti sa kanya. "I like you V."
"Heh, ganyan ka ba talaga Irene? Stop flirting with me!"
"I'm not flirting with you! Makikipag-break ako kay Jimin in time.. He's so stressed right now and I can't bare to see him hurting."
"I can't hurt my best friend twice, once is enough. Stop this," diin nya at nilisikan na nya ako nang mata. "Now!!" Sigaw nya sabay talikod sa akin.
"I know you love me V.."
Napatigil ito sa paglalakad at tila naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso sya. Gumalaw ng bahagya ang ulo nya pakaliwa na tila pinipigilan nya akong tingnan.
"I know.." diin ko pa. "I found out that I knew you first before I hit my anmesia. We have a relationship right?"
"Anong sinasabi mo?" Tanong nito sabay lingon sa akin. "Heh," ngiti nito sabay iling. "You are crazy!"
"Boyfriend kita dati, tama?" Tanong ko at umiwas muli ang mga mata nito sa akin. "Tama ba ako? V, sagutin mo ang tanong ko!"
"Heh," tawa nito at tumalikod ulit ito sa akin. "Hindi ako mag aaksaya nang panahon sayo Irene."
Lumakad na ulit ito palayo at kaagad naman akong tumayo para habulin sya. Tumakbo ako paabante sa harapan nya at tumigil ito sa paglakad niya, kaagad ko naman iniharap sa kanya ang litrato na nakita naming dalawa.
"Sabihin mo sa akin ang totoo, V.." diin na sambit ko. "Boyfriend ba kita noon bago ako maaksidente?"
Tila nagulat sya sa litrato na pinakita ko sa kanya. Ang mga mata nya ay namumula na tila luluha na ito.
"Okay, you got me.." tugon nito.
"So boyfriend nga kita noon?" Tanong ko ulit.
"Heh," tumawa ito at kinuha ang litrato na hawak ko. "Hindi ko akalain na may litrato pala tayo noon," naka-ngiti nyang sambit at tinititigan nya ito. "Pero hindi mo ako boyfriend noon, at hindi mo ako magiging boyfriend hanggang ngayon."
"Ehhh?" Napa-kagat labi ako at medyo naiinis sa sinabi nyang 'yon. "Anong ibig mong sabihin? Nagsinungaling ka sa akin, sinabi mo sa akin na hindi tayo magka-kilala," tugon ko at huminga ng malalim. "Pinaniwala nyo akong lahat na hindi tayo magkakilala!"
"Para saan pa at kailangan mong malaman Irene?" Tanong nito na naka-simangot. "Kung gusto mo masagot ang mga katanungan mo, pamilya mo dapat ang tanungin mo tungkol dyan hindi ako."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Novela JuvenilHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...