Nakarating kami sa Trinoma na halos kakatapos lamang ng lunch. Natagalan kami sa byahe dahil inabot kami ng traffic.
"Kumain muna tayo bago tayo manuod ng sine," sambit nya.
"Good idea, baka mahimatay na naman ako sa sobrang gutom.." tugon ko.
"Yeah, that is actually the thing I worry about, baka mag beast mode ka pa.. Tara na.."
Parehas kaming nagtawanan sa isa't isa at pumunta kami sa pinaka-malapit na restaurant. Wendys, ang napili namin dahil parehas na kaming gutom at kung sa fine dining restaurant pa kami kakain ay matatagalan pa ito.
"Okay lang ba sayo na kumain sa fast food?" Tanong nya habang kami ay paupo pa lamang.
"Oo naman, noong nasa Amerika ako, halos Subway lang ang ginagawa kong lunch kapag napasok ako sa school." Tugon ko naman at nagsimula na kaming kumain.
"Okay, buti naman kung ganun," sabay tawa nya, "Buti hindi ka body conscious kasi usually ang girls ayaw kumain sa fast food dahil nakakataba 'to!"
"Hmm, actually I consider myself as Vegan, pero simula nang bumalik ako dito sa Pilipinas halos puro karne na ang kinakain ko.."
"Well, masarap ang mga pagkain ng pinas kesa sa Amerika, saka buti nalang bumalik ka.. nagkakilala tayong dalawa.." pa tawa-tawa nitong tugon.
"Ah, Johnny, noong University night, diba sabi mo may date ka? Kamusta na kayo?"
"Ah, tinigilan ko na," sabay tawa nito, "I mean, nawala ang interes ko sa kanya, saka dahil nga sa mga nangyari nawala na rin ang communication namin.."
"Bakit naman? Kapag ba nawala ang communication nawawalan na rin ang interes ang lalaki?" tanong ko habang patuloy kami sa pagkain.
"Mostly ganuon ang nangyayari, pero hindi ko naman sinasabi na ganuon rin ako. Bumisita naman sya sa ospital, nagtetext, tawag, even chat sa Facebook pero ako na rin ang umiiwas sa kanya at naging tapat ako sa kanya.. dahil ayaw kong lumalim pa ang relasyon naming dalawa bukod sa pagiging mag kaibigan. "
" Hmm, bakit naman? Teka, hulaan ko, siguro kaya ayaw mo lumalim ang relasyon kasi takot kang ma-inlove no?" pa tawa-tawa kong sambit.
" Hindi ah, nagkaroon na rin naman ako ng girlfriend noon saka na in love na rin ako.. " tanggi naman nya.
" Kaya nga, siguro nasaktan ka sa dati mong relationship kaya ngayon iniiwasan mong lumalim pa ang relasyon nyo, " dungtong ko pa.
"Parte naman ng relasyon 'yon, yung masasaktan ka.. pero ang tunay kong dahilan kung bakit ko tinigil ang dating namin dahil mas nakilala kita nitong mga nakaraang linggo.."
"Eh? Ano?"
"Alright, I'll be honest Irene, simula noong ng Cebu tayo hanggang sa naospital ako, lagi tayo naguusap, nagkakasama.. ah, I.. uh.. I like you Irene.."
Nakatingin sya sa akin at napatigil ako sa pag nguya ko. Ang ibig ba nyang sabihin ay hindi ito friendly date at talagang totoong date in a romantic way.
"Ahh, I know.. medyo all of a sudden ito, pero gusto ko lang magpakatotoo sayo Irene.." dagdag pa nya.
"Ahh, Johnny.. gusto ko rin na magpakatotoo sayo.. uh, may taong gustong gusto ko pero.."
"Si V tama ba.." sambit agad nya kaya natigilan ako sa pagsasalita. "Alam ko, gusto ko nga sya tanungin kung anong balak nya dahil alam naman nyang baliw ang kapatid ko pero sobrang concern pa rin sya dito.."
"Uh, Johnny.. pero hindi ibig sabihin noon ay hindi kita gusto, ah, ayaw ko lang na isipin mo o umasa ka na ganuon rin ang magiging pag tingin ko sayo.. gusto ko lang rin maging honest sayo na hanggang ngayon ay si V pa rin ang gusto ko, pero.."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...