Chapter 47

228 35 2
                                    

Kinabukasan ay sinundo kami ni kuya sa ospital dahil ngayong araw lalabas ng ospital si V. Naka-shades ang kuya ko para hindi mahalata na umiyak sya. Hindi ko pa rin nasasabi kay V na patay na si Drew siguradong mabibigla sya at baka makaapekto pa sa kanya at kakagaling lang mula sa sakit.

Sa loob ng kotse ay pinaupo namin siya sa backseat at ako naman ang nasa driver's seat.

"Excited na akong umuwi," sambit ni V habang nag uunat pa ito ng kanyang katawan.

"Maayos na ba pakiramdam mo?" Tanong naman ni kuya habang nakatingin sya sa mirror.

"Oo naman, magaling ang nurse ko eh," sabay tawa nito, at napa-ngiti naman kami ni kuya.

"Good, hindi muna tayo dadaretcho sa bahay," tugon naman ni kuya at lumapit sa amin si V.

"Ha? Bakit? Kakain ka muna tayo? Ayos lang, nagugutom na rin naman ako.." tanong ni V at sumandal ulit ito sa likod.

"May nangyari sa bahay kagabi V, lahat tayo ay iniimbitahan ng police station para sumalang sa interrogation.." sambit ni kuya at mas lalo akong kinakabahan.

"Bakit? Anong nangyari kagabi?" Tanong kaagad ni V at nakita ko na napabalikwas sya sa kanyang kinauupuan.

"Habang ang lahat ay nagiimbestiga at naghahanap kay Mariz at sa buong ATO, natagpuang patay si Drew sa loob ng bahay.." tugon ni kuya at nang lingonin ko si V ay nanlalaki ang mga mata nito.

"Okay ka lang V?" tanong ko naman sa kanya.

"Totoo ba yang sinasabi mo?" tanong naman ni V at parang namumutla sya.

"Oo," tugon ni kuya at nakatingin pa rin sya sa mirror para tingnan ang reaksyon ni V, "Namatay sya sa sobrang daming saksak na natamo nya.."

"Sinong pumatay sa kanya?" tanong naman ni V.

"Wala pang sinasabi ang mga police, pero hinihingi nila ang kooperasyon natin na lumikom ng lahat ng impormasyon para sa magkaroon ng lead kung sino ang pumatay sa kanya, kahit na ang itinuturo namin na ang nasa likod nito ay ang ATO.." paliwanag ni kuya.

"Bakit kailangan natin sumailalim sa interrogation? Nasa ospital kaming dalawa ni V, at saka bakit pati si V ay kailangan nilang kausapin wala naman sya sa bahay ng halos isang linggo." Tugon ko naman at tinitingnan ko pa rin si V dahil namumutla pa rin ito.

"Uh, kaya nga kailan natin pumunta agad sa police station para malinis kaagad natin ang ating mga pangalan sa pulis." Sambit ni kuya at napapailing naman si V.

"Bakit kailangan natin linisin ang pangalan natin kung wala naman tayong kinalaman sa nangyari kay Drew?" tanong naman ni V at kita ko sa mata nya na punong puno ito ng galit.

"Nalaman ni Mon na ang prime inspector sa kaso ni Drew ay isang member ng ATO, ang teorya nya ay posibleng frame up ang nangyari para masaira ang buong KE.." paliwanag ni kuya.

"Pero, paano naman magiging frame up ang nangyari kung lalabas naman sa interrogation na wala tayong kinalaman sa nangyari.." tugon naman ni V.

"Nag meeting kami kaninang umaga, nabanggit din ng inspector ang nangyari sayo V, tinitingnan nilang angle ay ang kapabayaan na ginawa ni Jason at Titan sa blood let, hinihinala nila na sinadya nila ang nangyari sayo dahil gusto nila patayin ang buong member ng KE. " Dugtong pa ni kuya.

"Imposibleng mangyari yan, diba si Mariz ang attendant ang kumuha ng dugo kay V? At ATO member yun, obvious naman na hindi sila Jason at Titan iyon, dahil bago ako pumunta dito sa ospital kagabi ay umalis sila ng bahay para balikan ang dormitory ni Mariz.." tugon ko naman dahil hinding hindi ako maniniwala na magagawa 'yon ni Jason at lalo ni Titan.

The Intruder | 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon