Natapos ang buong araw namin at nakabalik kami sa Villa at halos pasado alas otcho na rin. Lahat ata ay napagod sa ginawa naming island hopping mag hapon. Kahit naman ako ay parang drained na at parang gusto ko uminom ng maraming maraming apple juice.
"Saan ka pupunta?" napatigil ako sa paglalakad at si V pala ang nag salita.
"Kukuha ako ng apple juice," tugon ko naman.
"Good, ikuha mo ako, sa cabana ako pupunta," tugon naman nya at nag simula na siyang maglakad.
"Teka, sumosobra ka na, ang usapan ay isang buong araw lang..gabi na ngayon para utusan mo pa ako, saka pagod na pagod na ako!"
Tumigil ito sa paglalakad at humarap muli sa akin, "Ahh pagod ka na pala ha," nag lakad ito paabante hanggang sa makalampas sa akin, "Simula ngayon, hindi na kita uutusan, at hindi na rin kita papansin."
"Ehh?" para naman syang bata na nagmamaktol ngayon. "Teka! Teka!" hinabol ko siya at pinigilan ko syang maglakad. "Oo na, sige na, ikukuha na rin kita ng apple juice, pumunta ka na sa cabana at dadalhin ko nalang duon."
"Heh, okay, saka samahan mo ng chips!" sabay gulo na naman nya sa aking buhok at naglakad na ito palabas ng villa.
Tumingin ako sa paligid at halos wala ng tao siguro ay dumaretcho na sila sa kanilang mga kwarto para magpahinga. Kahit ako ay gusto ko na rin magpahinga pero kailangan ko muna bigyan ng apple juice at chips si V sa cabana.
May dala-dala akong tray at may laman isang pitsel na apple juice, isang malaking snack bowl na may laman na mga chips.
Nang makababa ako sa villa ay nasulyapan ko kaagad si V sa cabana at may dalawang scented candle lamang ang tanging ilaw dito. Ibinaba ko ang tray sa lamesa at binuhay ko ang ilaw dahil masyadong madilim sa lugar na ito.
"Bakit mo binuksan? Patayin mo ang ilaw!" agad nyang sambit at bumangon ito sa pagkakahiga.
"Madilim, ayaw ko sa madilim.." tugon ko naman.
Tumayo ito at agad nyang sinara ang ilaw, "Wag ka mag-alala kasama mo ako, saka may kandila naman kaya hindi naman magiging madilim in total.." umupo muli ito at hindi na ako kumontra sa kanya. "Bakit ba ang tagal mo?"
"Nag grind pa ako ng apples, saka ang tagal kumuha nung server sa taas," tugon ko naman habang nagsasalin ng apple juice nya. "
"Ikaw ang nag grind ng apples?" Tanong nito at kinuha nya kaagad ang sinalin ko na juice para inumin.
"Oo, baka kasi mag inarte ka pa kaya naman ako na mismo ng grind.." tugon ko namam at tumayo na, "Papasok na ako sa loob!"
"Samahan mo muna ako dito!" sambit agad nya.
"Ha? Isang baso lang ang dinala ko, gusto din uminom ng apple juice no!" Sagot ko naman.
"Edi uminom ka sa baso ko," tugon nya at inaabot nya ang kanyang baso.
"Ehh? Baso mo yan.. saka.. may ginawa na akong apple juice para sa akin at iniwan ko duon sa taas.." sambit ko naman.
"Heh, nagiinarte ka pa nag share nga tayo sa kape na dala mo nung isang gabi," tugon namam nya at patuloy pa rin nyang iniaabot ang baso nya sa akin. "Sige na, wag ka ng maarte! Pwede tayong magsalo sa iisang baso!"
"Ahh si.. sige.." tugon ko at naupo na ako sa katapat ng hinihigaan nya. Dahan dahan akong uminom sa kanyang baso and it was really refreshing talaga ng apple juice.
"Heh," panay ang smirk ni V habang nakain sya ng chips. "Okay na ba ang binti mo?"
"Eh, oo naman," sagot ko at ibinaba ko ang baso, "Ah, lalabhan ko muna ung shirt mo saka ko ibabalik sayo.."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 2
Teen FictionHindi na muling bumalik ang alaala ni Irene makalipas ang dalawang taon na pagpapagaling sa Amerika. Sa pagbalik ni Irene sa Pilipinas ay may mga bagong tauhan na pumasok sa buhay niya. Alamin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nila V at Irene. Dat...